Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 78 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Nehemias 9:26-38' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 18:9-20

At (A) ang mga hari ng daigdig na nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kaluhuan kasama niya ay tatangisan at pagluluksaan siya kapag nakita na nila ang usok ng pagsunog sa kanya. 10 Tatayo sila sa malayo dahil sa takot sa kanyang paghihirap at sasabihing,

“Kakila-kilabot ang sinapit mo, dakilang lungsod,
    makapangyarihang lungsod ng Babilonia!
Sapagkat sa loob ng isang oras, naigawad ang parusa sa iyo.”

11 At (B) ang mga mangangalakal ng daigdig ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bumibili ng kanilang paninda— 12 panindang (C) ginto, pilak, mamahaling bato at perlas, pinong lino; granate, sutla at pulang tela; lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kasangkapang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 sinamon, pampalasa, kamanyang, mira at insenso, alak, langis, magandang uri ng harina at trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga katawan, samakatuwid ay mga kaluluwa ng tao.

14 “Ang mga bungang ninasa ng kaluluwa mo'y
    wala na sa iyo,
at lahat ng mga marangya at maringal na bagay
    ay naglaho sa iyo,
    at kailanma'y hindi na matatagpuan ang mga ito!”

15 Ang (D) mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa paghihirap niya, na sila'y nagluluksa, malakas na tumatangis, 16 na nagsasabi,

Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    siya na nakasuot ng pinong lino at kulay ube at pulang damit,
    at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!
17 Sapagkat (E) ang lahat ng yamang iyon ay naglaho sa loob ng isang oras!”

At lahat ng kapitan ng barko at mga naglalayag, ang mga mandaragat at lahat ng mangangalakal sa dagat ay tumayo sa malayo. 18 Sumigaw (F) (G) sila habang pinagmamasdan ang usok ng kanyang pagkasunog na nagsasabi,

“Saan mo ihahambing ang tanyag na lungsod?”

19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo habang tumatangis at nagluluksa na sumisigaw,

“Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    na nagpayaman sa lahat ng may barko sa dagat, mula sa kanyang kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.
20 O (H) langit, magalak ka dahil sa kanya,
    kayong mga banal at mga apostol at mga propeta!
Sapagkat alang-alang sa inyo ay iginawad ng Diyos ang parusang hatol sa kanya.”

Mateo 15:21-28

Ang Pananampalataya ng Babaing Taga-Canaan(A)

21 Umalis doon si Jesus at pumunta sa karatig-pook ng Tiro at Sidon. 22 Naroon ang isang babaing taga-Canaan na mula sa lupaing iyon. Siya'y nagsisisigaw, “Maawa ka po sa akin, Panginoon, Anak ni David! Ang anak kong babae ay pinahihirapan ng isang demonyo.” 23 Ngunit hindi man lamang siya sumagot sa babae. Lumapit ang mga alagad niya at nakiusap sa kanya, “Paalisin mo po siya, sapagkat nagsisisigaw siya sa hulihan natin.” 24 At sumagot siya, “Ako'y sinugo para lamang sa mga nawawalang tupa ng sambahayan ni Israel.” 25 Ngunit lumapit ang babae, lumuhod sa harapan niya at sinabi, “Panginoon, tulungan mo po ako.” 26 Sumagot si Jesus, “Hindi tamang kunin ang kinakain ng mga anak at ihagis ito sa mga aso.” 27 Ngunit sagot ng babae, “Opo, Panginoon. Ngunit ang mga aso man ay kumakain ng mga mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya't sumagot si Jesus sa kanya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari para sa iyo ang hinihiling mo.” At gumaling ang kanyang anak na babae sa oras ding iyon.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.