Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 83 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 146-147' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 85-86' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 60:1-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Timoteo 2:14-26

14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

Ang Manggagawa ng Diyos

15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan. 17 Ang mga salita ng mga gumagawa nito'y gaya ng kanser na kumakalat sa katawan. Kasama sa mga ito sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at sinasabing ang muling pagkabuhay ay naganap na. Sinisira nila ang pananampalataya ng iba. 19 Ngunit (A) matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at, “Lumayo sa kasamaan ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 20 Sa isang malaking bahay ay may mga sisidlang yari sa ginto at pilak, ngunit mayroon din namang yari sa kahoy at putik. Ang iba'y para sa marangyang paggagamitan, at ang iba'y para sa karaniwan. 21 Sinumang naglilinis ng kanyang sarili mula sa kasamaan ay tulad ng mga sisidlang natatangi, malinis, at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabuting gawain. 22 Layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan mong mabuhay ka sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong dalisay. 23 Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo. Alam mo namang nagbubunga lang ang mga iyan ng pag-aaway. 24 Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip, dapat siyang mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. 25 Mahinahon niyang pinapangaralan ang mga sumasalungat sa kanya, sa pag-asang pagkakalooban sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan. 26 Sa gayon, matatauhan sila at makakawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.[b]

Marcos 10:17-31

Ang Lalaking Mayaman(A)

17 Sa pagpapatuloy ni Jesus sa paglalakbay, isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan, at nagtanong, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” 18 Sumagot si Jesus, “Bakit tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti maliban sa isa—ang Diyos. 19 Alam (B) mo ang mga utos: ‘Huwag kang papatay; Huwag kang mangangalunya; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; Huwag kang mandadaya; Igalang mo ang iyong ama at ina.’ ” 20 “Guro,” sabi ng lalaki, “Ginampanan ko po ang lahat ng iyan mula pa sa aking kabataan.” 21 Sa pagtingin ni Jesus sa lalaki, minahal niya ito at sinabi, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay mo ang salapi sa mga dukha. Sa gayon, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” 22 Nanlumo ang lalaki dahil sa sinabing ito, at umalis siyang nalulungkot sapagkat marami siyang ari-arian. 23 Tumingin si Jesus sa paligid, at sinabi sa mga alagad, “Napakahirap para sa mayayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos.” 24 Namangha ang mga alagad sa sinabing ito ni Jesus. Ngunit muling nagsalita si Jesus, “Mga anak, napakahirap pumasok sa kaharian ng Diyos. 25 Mas madali pang pumasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos.” 26 Lalong nagtaka ang mga alagad, at sinabi nila sa isa't isa, “Kung gayo'y sino ang maaaring maligtas?” 27 Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Hindi ito kayang gawin ng tao; ngunit kaya ng Diyos. Sapagkat lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” 28 Nagsimulang magsabi si Pedro kay Jesus, “Tingnan po ninyo. Iniwan namin ang lahat at sumunod kami sa iyo.” 29 Sumagot si Jesus, “Tinitiyak ko sa inyo, walang taong nag-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain, dahil sa akin at dahil sa Magandang Balita, 30 na hindi tatanggap sa panahong ito ng makaisandaang ulit ng mga bahay, mga kapatid, mga ina at mga anak, at mga bukid, na may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating ay tatanggap siya ng buhay na walang hanggan. 31 Ngunit (C) maraming nauuna ang mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.