Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 84 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 51:9-16' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 11:8-16

Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, sumunod si Abraham nang tawagin siya ng Diyos na pumunta sa isang lugar na kanyang tatanggapin bilang pamana. Sumunod nga siya, bagama't hindi niya nalalaman ang lugar na kanyang pupuntahan. Sa (B) pamamagitan din ng pananampalataya, siya'y nanirahan sa lupang pangako bilang dayuhan. Nanirahan siya sa mga tolda kasama sina Isaac at Jacob, na kapwa mga tagapagmana ng gayunding pangako. 10 Sapagkat inaasahan niya ang lungsod na may mga saligan, isang lungsod na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos. 11 Sa (C) pamamagitan ng pananampalataya, bagaman matanda na at baog si Sarah ay tumanggap pa rin siya ng kakayahang magkaanak, palibhasa'y itinuring ni Abraham[a] na tapat ang nangako. 12 Kaya't (D) mula sa isang lalaki na halos patay na ay isinilang ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng di mabilang na mga buhangin sa dalampasigan.

13 Namatay (E) lahat ang mga taong ito na may pananampalataya bagamat hindi nila tinanggap ang mga ipinangako ng Diyos. Ngunit natanaw nila at binati ang mga iyon mula sa malayo. Ipinahayag nila na sila'y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa. 14 Ang mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagpapakilalang sila ay naghahanap ng sariling bayan. 15 Kung ang iniisip nila ay ang kanilang pinanggalingang lupain, nagkaroon pa sana sila ng pagkakataong makabalik. 16 Ngunit ang ninanais nila ay higit na mabuting lupain, isang lupaing makalangit. Kaya't hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.

Juan 7:14-31

14 Nang kalagitnaan na ng pista ay nagpunta si Jesus sa templo at nagturo. 15 Nagtaka ang mga Judio. Ang sabi nila, “Paanong nalaman ng taong ito ang mga kasulatan gayong hindi naman siya nakapag-aral?” 16 Kaya't sumagot si Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 17 Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing sa Diyos o nagsasalita lamang ako mula sa sarili. 18 Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba si Moises ang nagbigay sa inyo ng kautusan? Subalit wala naman sa inyo ang tumutupad nito. Bakit sinisikap ninyo akong patayin?” 20 Sumagot ang mga tao, “Sinasaniban ka ng demonyo. Sino'ng gustong pumatay sa iyo?” 21 Sinagot sila ni Jesus, “Gumawa ako ng himala at lahat kayo ay namangha. 22 (A)Ibinigay sa inyo ni Moises ang batas ng pagtutuli bagama't hindi ito galing kay Moises kundi sa mga ninuno. Nagtutuli kayo sa araw ng Sabbath. 23 (B)Kung ang pagtutuli sa araw ng Sabbath ay hindi paglabag sa Kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin sa pagpapagaling ko sa isang tao sa araw ng Sabbath?” 24 Huwag kayong humusga batay sa panlabas na anyo, kundi maging matuwid kayo sa inyong mga hatol.” 25 Kaya’t sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? 26 At narito siya at hayagang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabing anuman laban sa kanya. Kinikilala na kaya ng mga pinuno na siya ang Cristo? 27 Ngunit alam natin kung saan galing ang taong ito; at pagdating ng Cristo, walang makaaalam kung saan siya manggagaling.” 28 Kaya sumigaw si Jesus habang nagtuturo sa templo, “Kilala ba talaga ninyo ako at alam ninyo kung saan ako galing? Hindi ako naparito para sa sarili ko lamang. Ang nagsugo sa akin ay tapat, at siya ang hindi ninyo nakikilala. 29 Kilala ko siya, sapagkat galing ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” 30 Dahil dito, tinangka nilang dakpin siya, subalit wala ni isa mang nangahas sapagkat hindi pa dumarating ang oras niya. 31 Gayunman, marami sa mga naroon ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming himala kaysa ginawa ng taong ito?”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.