Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 55 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 138-139:23' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 10:20-27' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Judas 17-25

Mga Babala at mga Paalala

17 Ngunit kayo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga babalang ibinigay noon ng mga apostol ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 18 Sinabi (A) nila sa inyo, “Sa huling panahon ay darating ang mga manlilibak na namumuhay sa sarili nilang makamundong pagnanasa.” 19 Ang mga ito ang lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, mga taong makamundo, at walang Espiritu ng Diyos. 20 Ngunit kayo, mga minamahal, patatagin ninyo ang inyong sarili sa pinakabanal na pananampalataya. Manalangin sa tulong ng Banal na Espiritu. 21 Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos; asahan ninyo ang habag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na naghahatid sa buhay na walang hanggan. 22 Kahabagan ninyo ang mga nag-aalinlangan. 23 Agawin ninyo ang mga nasa apoy upang masagip sila. Mahabag kayo sa iba na taglay ang takot; kamuhian ninyo pati ang mga damit nilang nabahiran ng kahalayan.

Basbas

24 Sa kanya na may kapangyarihang mag-ingat sa inyo upang hindi kayo mapahamak at may kapangyarihang magharap sa inyo nang walang kapintasan at may lubos na kagalakan sa harap ng kanyang kaluwalhatian, 25 sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristong ating Panginoon, sa kanya ang kaluwalhatian, karangalan, kapangyarihan at kapamahalaan, bago pa nagsimula ang panahon, ngayon, at kailanman. Amen.

Lucas 3:1-9

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno[a] ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. Gaya ng nasusulat sa aklat ni propetang si Isaias,

“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
Tatambakan ang bawat lambak,
    at papatagin ang bawat bundok at burol.
Itutuwid ang likong daan,
    at papatagin ang daang lubak-lubak.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham. Ngayon pa man ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Pinuputol ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti at itinatapon sa apoy.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.