Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 148-150' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 114-115' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 5:1-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Pedro 3:11-18

11 At dahil ganito mawawasak ang lahat ng bagay, anong uri ng pagkatao ang dapat ninyong ipamuhay? Hindi ba dapat kayong mamuhay na banal at maka-Diyos 12 habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos at pinadadali ang pagdating nito? Sa araw na iyon, matutupok ang kalangitan at ang mga bagay na naroon ay matutunaw sa matinding init. 13 Ngunit, (A) naghihintay tayo sa pagdating ng pangako ng Diyos, ang bagong langit at ang bagong lupa na kung saan tinatahanan ng katuwiran.

14 Kaya nga, mga minamahal, habang hinihintay ninyo ang mga bagay na ito, sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, walang dungis at kapintasan sa paningin ng Diyos. 15 Isipin ninyong ang pagtitiis ng Panginoon ay para sa inyong kaligtasan. Ito rin ang isinulat sa inyo ng minamahal nating kapatid na si Pablo, ayon sa karunungang ibinigay sa kanya ng Diyos. 16 Ganito ang lagi niyang sinasabi sa lahat ng kanyang mga sulat ukol sa paksang ito, bagama't may ilang bahagi sa kanyang liham ang mahirap unawain at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili. 17 Ngayong alam na ninyo ito, mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ng mga masasamang tao, nang sa gayo'y hindi kayo matinag sa inyong matatag na kalagayan. 18 Sa halip, pagsikapan ninyong lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kanya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman! Amen.[a]

Lucas 7:28-35

28 Sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga taong isinilang ang higit na dakila kaysa kay Juan, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya.” 29 Ang lahat ng taong nakarinig pati na ang mga maniningil ng buwis ay kumilala sa katuwiran ng Diyos dahil binautismuhan sila ng bautismo ni Juan. 30 Ngunit dahil hindi nagpabautismo sa kanya ang mga Fariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, tinanggihan nila ang layunin ng Diyos para sa kanila.

31 “Saan ko ngayon maihahambing ang mga tao ng kasalukuyang panahon? Ano ang katulad nila? 32 Tulad nila'y mga batang nakaupo sa pamilihan at nagsasabi sa isa't isa,

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta ngunit hindi kayo sumayaw!
    Nanaghoy kami ngunit hindi kayo umiyak!’

33 Sapagkat dumating si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sinasabi ninyong, ‘Siya ay may demonyo.’ 34 Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom at sinabi naman ninyong, ‘Tingnan ninyo ang taong matakaw at manlalasing, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’ 35 Gayon pa man, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng kanyang mga tagasunod.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.