Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 140 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 142 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 141 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 143 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 14:1-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 15:7-13

Ang Ebanghelyo sa mga Judio at sa mga Hentil

Kaya't tanggapin ninyo ang isa't isa, kung paanong tinanggap kayo ni Cristo, upang luwalhatiin ang Diyos. Sinasabi ko sa inyo na si Cristo ay naging lingkod ng mga Judio[a] upang ipakita ang katapatan ng Diyos at upang pagtibayin ang kanyang mga pangako sa mga ninuno, at (A) upang ang mga Hentil ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag, gaya ng nasusulat,

“Kaya't kikilalanin kita sa gitna ng mga Hentil,
    at aawitan ko ng papuri ang iyong pangalan.”

10 Sinabi rin, (B)

“Magdiwang kayo, mga Hentil, kasama ng kanyang bayan.”

11 At sinabi rin, (C)

“Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Hentil;
    at purihin siya ng lahat ng mga bansa.”

12 Sinabi (D) rin ni Isaias,

“Ang ugat ni Jesse ay sisibol,
    upang maghari sa mga bansa, siya'y babangon;
    Ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya itutuon.”

13 Ang Diyos ng pag-asa ang nawa'y magbuhos sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya, upang kayo'y mag-umapaw sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Lucas 19:28-40

Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(A)

28 Pagkasabi nito, nagpatuloy si Jesus sa pag-akyat sa Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ ganito ang sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Sumunod ang mga inutusan, at natagpuan nga nila ang asno ayon sa sinabi sa kanila. 33 Habang kinakalagan nila ang batang asno ay tinanong sila ng may-ari nito, “Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?” 34 Kaya't sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 Dinala nila ang batang asno kay Jesus at matapos ilagay sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya ay pinasakay nila dito. 36 Samantalang siya'y nakasakay sa batang asno, inilalatag naman ng mga tao ang kanilang damit sa daan. 37 Nang malapit na siya sa daan pababa sa Bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagsimulang magsaya at magpuri sa Diyos nang pasigaw tungkol sa nasaksihan nilang mga kababalaghan. 38 Sinabi nila,

“Pinagpala ang Haring dumarating sa pangalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit at luwalhati sa kataas-taasan.”

39 Ilan sa mga Fariseo na nasa karamihan ay nagsabi sa kanya, “Guro! Sawayin mo ang iyong mga alagad.” 40 Ngunit sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik ang mga ito, magsisigawan ang mga bato.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.