Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 75-76' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 27 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Ecclesiastico 51:1-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 18:1-14

Ang Pagbagsak ng Babilonia

18 Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. Sumigaw (A) siya nang napakalakas,

“Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonia!
    Tirahan na ito ng mga demonyo,
kulungan ng bawat maruming espiritu,
    kulungan ng bawat maruming ibon,
    at kulungan ng bawat marumi't nakapandidiring hayop.
Sapagkat (B) lahat ng bansa ay uminom
    ng alak ng kanyang kahalayan,
at sa kanya'y nakiapid ang mga hari ng daigdig,
    at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan,
    ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.”

Pagkatapos, (C) mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi,

“Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko,
    upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan,
at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay;
sapagkat (D) abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan,
    at binalingan ng Diyos ang kanyang mga kasamaan.
Ibalik (E) ninyo sa kanya kung ano'ng ibinigay niya,
    at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa;
    sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble.
Gaya (F) ng pagpaparangal niya sa kanyang sarili at kaluhuan,
    ganoon din karaming pahirap at pighati ang ibigay ninyo sa kanya.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Nakaupo akong isang reyna,
hindi ako isang balo,
    at kailanma'y hindi ko malalasap ang dalamhati.’
Dahil dito ay darating ang mga salot sa kanya sa loob ng isang araw—
    kamatayan, pagluluksa, taggutom—
at siya'y susunugin sa apoy;
    sapagkat ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya ay makapangyarihan.”

At (G) ang mga hari ng daigdig na nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kaluhuan kasama niya ay tatangisan at pagluluksaan siya kapag nakita na nila ang usok ng pagsunog sa kanya. 10 Tatayo sila sa malayo dahil sa takot sa kanyang paghihirap at sasabihing,

“Kakila-kilabot ang sinapit mo, dakilang lungsod,
    makapangyarihang lungsod ng Babilonia!
Sapagkat sa loob ng isang oras, naigawad ang parusa sa iyo.”

11 At (H) ang mga mangangalakal ng daigdig ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bumibili ng kanilang paninda— 12 panindang (I) ginto, pilak, mamahaling bato at perlas, pinong lino; granate, sutla at pulang tela; lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kasangkapang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 sinamon, pampalasa, kamanyang, mira at insenso, alak, langis, magandang uri ng harina at trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga katawan, samakatuwid ay mga kaluluwa ng tao.

14 “Ang mga bungang ninasa ng kaluluwa mo'y
    wala na sa iyo,
at lahat ng mga marangya at maringal na bagay
    ay naglaho sa iyo,
    at kailanma'y hindi na matatagpuan ang mga ito!”

Lucas 14:1-11

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking may Sakit

14 Isang araw ng Sabbath, pumasok si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo upang kumain. Minamatyagan siyang mabuti ng mga Fariseo. Bigla na lamang pumunta sa kanyang harapan ang isang lalaking minamanas. Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa Kautusan at ang mga Fariseo, “Ipinahihintulot ba na magpagaling kung araw ng Sabbath o hindi?” Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan niya ang maysakit at ito'y pinagaling at pinauwi. At sinabi niya sa kanila, “Kung sinuman sa inyo ang may anak o toro na mahulog sa balon, hindi ba agad ninyo itong iaahon kahit na araw ng Sabbath?” Hindi nila masagot ang mga ito.

Mabuting Pakikitungo at Pagpapakababa

Nang mapansin niyang pinipili ng mga inanyayahan ang mga upuang pandangal, sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga: “Kapag inanyayahan ka ng sinuman sa isang kasalan, huwag kang maupo sa upuang pandangal. Baka mayroon siyang inanyayahang mas kilala kaysa iyo. At sa paglapit ng nag-anyaya sa inyong dalawa ay sasabihin niya, ‘Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan.’ Mapapahiya ka lamang at uupo sa pinakaabang upuan. 10 Sa halip, kung naanyayahan ka, pumunta ka at umupo sa pinakaabang upuan. Pagdating ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya sa iyo, ‘Kaibigan, lumipat ka sa mas marangal na upuan.’ Sa gayon ay mabibigyan ka ng dangal sa harap ng mga kasalo mo. 11 Sapagkat ibababa ang sinumang nagtataas ng sarili ngunit ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.