Book of Common Prayer
4 Pagkatapos nito ay tumingin ako, at doon sa langit ay may isang pintong nakabukas! Ang unang tinig na narinig kong nagsasalita sa akin ay parang isang trumpeta, na nagsasabi, “Umakyat ka rito at ipakikita ko sa iyo kung ano ang kailangang mangyari pagkatapos ng mga bagay na ito.” 2 At (A) agad akong kinasihan ng espiritu, at doon sa langit ay may isang tronong may nakaupo! 3 At ang nakaupo doon ay nagniningning tulad ng batong jasper at sardio, at sa paligid ng trono ay may bahagharing parang esmeralda. 4 Sa paligid ng trono ay may dalawampu't apat pang trono at sa mga ito ay may nakaupong dalawampu't apat na matatanda na nakaputing damit, at sa kanilang mga ulo ay nakaputong ang mga gintong korona. 5 Mula (B) sa trono ay may nanggagaling na mga siklab ng kidlat, mga ingay at mga dagundong ng kulog. At sa harapan ng trono ay may pitong nag-aapoy na sulo. Ang mga ito'y ang pitong espiritu ng Diyos; 6 at sa (C) (D) harapan ng trono ay may tila dagat na salamin tulad ng kristal.
Sa paligid ng trono, sa bawat gilid nito ay may apat na buháy na nilalang, na puno ng mga mata sa harap at sa likod. 7 Parang leon ang unang buhay na nilalang, isang baka ang katulad ng ikalawa, ang ikatlong nilalang ay may mukhang tulad ng sa tao, at ang ikaapat ay parang isang lumilipad na agila. 8 Ang (E) bawat isa sa apat na nilalang ay may anim na pakpak, sa paligid at loob ay puno ng mga mata. Araw at gabi'y hindi sila tumitigil sa pagsasabi,
“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siyang noon, ngayon, at darating.”
9 At tuwing magbibigay ng kaluwalhatian, karangalan, at pasasalamat ang mga buháy na nilalang sa kanyang nakaupo sa trono, siyang nabubuhay magpakailanman, 10 lumuluhod ang dalawampu't apat na matatanda sa harap ng nakaupo sa trono at sumasamba sa kanyang nabubuhay magpakailanman; at inihahagis nila sa harap ng trono ang kanilang mga korona, na nagsasabi,
11 “Karapat-dapat ka, Panginoon naming Diyos,
na tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan,
sapagkat nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban,
sila'y nalikha at pinaiiral.”
Hindi Kinilala si Jesus sa Nazareth(A)
6 Umalis doon si Jesus kasama ang mga alagad at pumunta sa sariling bayan. 2 Nang sumapit ang Sabbath, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha ang marami sa mga nakinig sa kanya. “Saan niya natutuhan ang lahat ng ito?” tanong nila. “Ano'ng karunungan ito na ibinigay sa kanya? Paano niya nagagawa ang mga kababalaghang ito? 3 Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Hindi ba naririto rin ang kanyang mga kapatid na babae?” At ayaw nilang maniwala dahil sa kanya. 4 Kaya't (B) sinabi ni Jesus, “Ang propeta'y hindi nawawalan ng karangalan, maliban sa kanyang sariling bayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” 5 Hindi siya nakagawa ng kahit anong himala roon liban sa pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ilang maysakit upang sila'y mapagaling. 6 Nagtaka siya sa kanilang hindi pagsampalataya.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.