Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 66-67' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 46 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Hukom 11:1-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Hukom 11:29-40' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Corinto 11:21-31

21 Kahiya-hiya, ngunit inaamin kong napakahina namin sa ganito! Ngunit anumang buong tapang na maaaring ipagmalaki ng iba—nagsasalita akong tulad ng hangal—may tapang din akong maipagmamalaki iyon. 22 Mga Hebreo ba sila? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako man. Mula ba sila sa binhi ni Abraham? Ako man. 23 Sila (A) ba'y mga lingkod ni Cristo? Lalo na ako, na mas maraming pagod sa pagtatrabaho, mas maraming ulit na nabilanggo, hindi mabilang kung ilang ulit nang nabugbog, at paulit-ulit na nabingit sa kamatayan. Para na akong baliw sa pagsasalita ng ganito. 24 Limang ulit akong nakatanggap sa mga Judio(B) ng apatnapung hagupit, binawasan ng isa. 25 Tatlong (C) ulit akong hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nakaranas ng pagkawasak ng barkong sinasakyan, isang araw at isang gabing ako'y nasa gitna ng dagat. 26 Madalas (D) akong naglalakbay. Nasuong ako sa panganib sa mga ilog, panganib sa mga tulisan, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lungsod, panganib sa ilang, panganib sa dagat, panganib sa kamay ng mga huwad na kapatid. 27 Nagtiis ako ng pagod at hirap, at madalas na walang tulog. Naranasan kong magutom at mauhaw, madalas na walang makain, giniginaw at hubad. 28 Bukod sa iba pang mga bagay, araw-araw ko pang pinapasan ang alalahanin para sa mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, di ba't ako'y nanghihina rin? Kapag may nabuwal dahil sa kasalanan, di ba't ako'y nag-iinit sa galit?

30 Kung kailangan kong magmalaki, ipagmamalaki ko ang mga bagay na magpapakita ng aking kahinaan. 31 Ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesus, na siyang karapat-dapat sa papuri magpakailanman, ang nakaaalam na hindi ako nagsisinungaling.

Marcos 4:35-41

Pinatigil ni Jesus ang Unos(A)

35 Kinagabihan, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” 36 Kaya't iniwan nila ang mga tao at tumawid ng lawa lulan ng bangkang sinasakyan ni Jesus. May iba pang mga bangkang sumabay sa kanila. 37 Dumating ang isang malakas na unos kaya't hinampas ng malalaking alon ang bangkang kanilang sinasakyan. Halos mapuno na ito ng tubig. 38 Si Jesus nama'y natutulog sa hulihan ng bangka at nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad. “Guro,” sabi nila, “wala ba kayong malasakit? Malulunod na tayo!” 39 Bumangon si Jesus, sinaway ang hangin at inutusan ang lawa, “Pumayapa ka. Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at nagkaroon ng katahimikan. 40 Sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natakot? Wala pa ba kayong pananampalataya?” 41 Labis silang natakot at sinabi sa isa't isa, “Sino kaya ito? Pati hangin at tubig ay sumusunod sa kanya?”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.