Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 84 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Josue 24:1-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 28:23-31

23 Kaya't sila'y nagtalaga ng isang araw para sa kanya, at maraming nagtungo sa kanyang tinutuluyan pagsapit ng takdang araw na iyon. Mula umaga hanggang gabi ay nagpaliwanag at nagpatotoo sa kanila si Pablo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinikap niyang hikayatin sila tungkol kay Jesus mula sa isinasaad ng Kautusan ni Moises at ng mga propeta. 24 May ibang naniwala sa kanyang sinabi at may iba namang hindi. 25 At nang hindi sila magkaisa, umalis sila matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pahayag: “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu nang sabihin niya sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni propeta Isaias,

26 ‘Pumaroon (A) ka sa sambayanang ito at sabihin mo,
Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
    tingnan man ninyo nang tingnan, hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    ipinikit na nila ang kanilang mga mata;
    Sapagkat ayaw na nilang makakita ang kanilang mga mata,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang kanilang puso, at magbalik-loob sa akin,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!” 29 [Matapos niyang sabihin ang mga ito ay umalis na ang mga Judio at mahigpit na nagtalu-talo.][a] 30 Dalawang taóng nanirahan sa Roma si Pablo, sa bahay na kanyang inuupahan. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya. 31 Buong tapang at malaya niyang ipinangangaral ang mga bagay tungkol sa paghahari ng Diyos at itinuturo ang tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo.

Marcos 2:23-28

Ang Pamimitas ng Trigo sa Araw ng Sabbath(A)

23 Isang (B) araw ng Sabbath, napadaan sina Jesus sa isang bukirin ng trigo. Sa kanilang paglalakad, namitas ng uhay ang kanyang mga alagad. 24 Sinabi sa kanya ng mga Fariseo, “Tingnan mo, bakit ginagawa ng mga alagad mo ang ipinagbabawal sa araw ng Sabbath?” 25 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya at ang kanyang mga kasamahan ay nagutom at nangailangan ng pagkain? 26 Noong (C) si Abiatar ang Kataas-taasang Pari, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na handog sa Diyos. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan, gayong ang mga pari lamang ang pinahihintulutang kumain niyon.” 27 Sinabi ni Jesus, “Nagkaroon ng Sabbath para sa tao, at hindi ng tao para sa Sabbath. 28 Kaya't ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.