Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 89

Masquil ni (A)Ethan na Azrahita.

89 Aking aawitin ang (B)kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man:
Aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man:
Ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
Ako'y nakipagtipan sa aking hirang,
(C)Aking isinumpa kay David na aking lingkod;
Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man,
At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng (D)sali't saling lahi. (Selah)
At (E)pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;
Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng (F)mga banal.
Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?
Sino sa gitna (G)ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,
At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
(H)Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?
At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
(I)Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:
Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
10 (J)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
11 Ang langit ay (K)iyo, ang lupa ay iyo rin:
Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong (L)itinatag,
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;
Ang (M)Tabor at ang (N)Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:
Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
14 (O)Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:
(P)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad (Q)ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:
At sa iyong lingap ay matataas ang (R)aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
At ang aming hari ay (S)sa Banal ng Israel.
19 (T)Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,
At iyong sinabi, Aking (U)ipinagkatiwala ang saklolo sa isang (V)makapangyarihan;
Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 (W)Aking nasumpungan si David na aking lingkod;
Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay;
Palakasin naman siya ng aking bisig.
22 (X)Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;
Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,
At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;
At sa pangalan ko'y (Y)matataas ang kaniyang sungay.
25 (Z)Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,
At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, (AA)Ikaw ay Ama ko,
Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang (AB)panganay ko,
Na pinakamataas (AC)sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,
At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (AD)parang mga araw ng langit.
30 (AE)Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,
At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,
At hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,
At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,
Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako (AF)sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (AG)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (AH)saksi sa langit. (Selah)
38 Nguni't iyong (AI)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(AJ)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (AK)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(AL)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (AM)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (AN)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (AO)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(AP)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (AQ)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (AR)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (AS)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (AT)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Bilang 16:1-19

Si Kore ay naghimagsik laban kay Moises at laban kay Aaron.

16 Si (A)Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao:

At sila'y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel, na dalawang daan at limang pung (B)prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog:

(C)At sila'y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron, at sinabi nila sa kanila, Kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay (D)banal, bawa't isa sa kanila, (E)at ang Panginoon ay nasa gitna nila: bakit nga kayo'y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon?

At nang marinig ni Moises, ay (F)nagpatirapa.

At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga'y ang (G)piliin ay siyang kaniyang (H)palalapitin sa kaniya.

Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga (I)suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong;

At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon: at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon, ay siyang banal: kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, kayong mga anak ni Levi.

At sinabi ni Moises kay Core, Dinggin ninyo ngayon, kayong mga anak ni Levi:

(J)Minumunting bagay pa ba ninyo na kayo'y ibinukod ng Dios ng Israel sa kapisanan ng Israel, upang ilapit niya kayo sa kaniya, upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon, at upang kayo'y tumayo sa harap ng kapisanan na mangasiwa sa kanila;

10 At inilapit ka niya sangpu ng lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi? at hangarin din naman ninyo ang pagkasaserdote?

11 Kaya't ikaw at ang iyong buong pulutong ay napipisan laban sa Panginoon: at si (K)Aaron, ano nga't siya'y inyong inupasala?

12 At ipinatawag ni Moises si Dathan at si Abiram, na mga anak ni Eliab: at kanilang sinabi, Hindi kami sasampa:

13 Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na (L)binubukalan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang, kundi (M)napapanginoon ka pa mandin sa amin?

14 Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan: dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito? hindi kami sasampa.

15 At si Moises ay naginit na mainam, at sinabi sa Panginoon, (N)Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog: (O)ako'y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila.

16 At sinabi ni Moises kay Core, Humarap ka at ang iyong buong kapisanan sa Panginoon, ikaw, at sila, at si Aaron, (P)bukas:

17 At kumuha ang bawa't isa ng kaniyang suuban, at lagyan ninyo ng kamangyan, at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon, na bawa't isa'y magdala ng kaniyang suuban, na dalawang daan at limang pung suuban; ikaw naman at si Aaron, bawa't isa sa inyo'y may kaniyang suuban.

18 At kinuha ng bawa't isa ang kaniyang suuban, at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng kamangyan, at sila'y tumayo sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan na kasama ni Moises at ni Aaron.

19 At pinisan ni Core ang buong kapisanan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang (Q)kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa buong kapisanan.

Roma 3:21-31

21 Datapuwa't ngayon (A)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (B)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (C)walang pagkakaiba;

23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (D)ng kaniyang biyaya (E)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

25 Na siyang inilagay ng Dios (F)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (G)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (H)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

27 (I)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (J)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.

29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:

30 Kung gayon (K)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.

31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (L)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.

Mateo 19:13-22

13 Nang magkagayon ay dinala (A)sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.

14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't (B)sa mga ganito ang kaharian ng langit.

15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.

16 At narito, lumapit sa kaniya ang (C)isa, at nagsabi, (D)Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?

17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't (E)kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, (F)Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,

19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, (G)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin?

21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging (H)sakdal, (I)humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pagaari.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978