Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 89 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Bilang 16:1-19' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 3:21-31

Ang Pagiging Matuwid

21 Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula sa Diyos, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta. 22 Ang (A) pagiging matuwid mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Subalit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Cristo Jesus. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao. 26 Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Jesus.[a]

27 May lugar ba ngayon ang pagmamalaki? Wala! Sa anong batayan? Sa pagsunod ba sa Kautusan? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 28 Sapagkat pinanghahawakan natin na ang tao ay itinuturing na matuwid dahil sa pananampalataya at walang kinalaman dito ang mga gawang batay sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos din ng mga Hentil, 30 sapagkat (B) iisa lamang ang Diyos. Siya ang magtuturing na matuwid sa mga tuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ituturing din niya na matuwid ang mga hindi tuli sa pamamagitan din ng pananampalataya. 31 Kung gayon, pinawawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip ay itinataguyod pa nga namin ang Kautusan.

Mateo 19:13-22

Ang Pagbasbas ni Jesus sa Maliliit na Bata(A)

13 Pagkatapos nito ay inilapit sa kanya ang maliliit na bata, upang kanyang ipatong sa kanila ang mga kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga taong nagdala ng mga bata. 14 Subalit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila nakalaan ang kaharian ng langit.” 15 Pagkatapos niyang ipatong sa kanila ang kanyang mga kamay ay umalis na siya roon.

Ang Kabataang Mayaman(B)

16 May isang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano po bang mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 17 At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Subalit kung nais mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos.” 18 Sumagot (C) ito sa kanya, “Alin po sa mga iyon?” Sinabi ni Jesus, “Huwag kang papaslang; Huwag kang mangangalunya; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; 19 Igalang (D) mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” 20 Sinabi sa kanya ng kabataang lalaki, “Nasunod ko po ang lahat ng ito;[a] ano pa kaya ang kulang sa akin?” 21 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod sa akin.” 22 Subalit nang marinig ng kabataang lalaki ang salitang ito, umalis siyang napakalungkot, sapagkat napakarami niyang ari-arian.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.