Book of Common Prayer
Walang Matuwid
9 Ano ngayon ang ibig nitong sabihin? Tayo bang mga Judio ay nakahihigit sa iba? Hindi! Sapagkat isinakdal na namin ang lahat ng tao, Judio man o Griyego, na sila ay pawang nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. 10 Gaya (A) ng nasusulat,
“Walang matuwid, wala, kahit isa.
11 Wala ni isang nakauunawa,
walang humahanap sa Diyos.
12 Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan;
walang gumagawa ng mabuti,
wala, kahit isa.”
13 “Tulad (B) ng libingang bukás ang kanilang lalamunan;
sa pandaraya ang kanilang mga dila ay nag-uumapaw.”
“Kamandag ng mga ulupong ang nasa ilalim ng kanilang labi.”
14 “Pagmumura at pait ang namumutawi (C) sa kanilang bibig.”
15 (D) “Sa pagpapadanak ng dugo mga paa nila'y matutulin,
16 pagkawasak at kalungkutan ang nababakas sa kanilang landasin,
17 hindi nila nalalaman ang daan ng kapayapaan.”
18 (E) “Ang takot sa Diyos, sa mga mata nila'y hindi masilayan.”
19 Nalalaman natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasa ilalim nito, upang walang maidahilan ang sinuman, at upang ang buong sanlibutan ay pananagutin sa harapan ng Diyos. 20 Sapagkat (F) walang sinumang[a] ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawang batay sa Kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan ay nagkaroon ng kamalayan sa kasalanan.
Ang Turo ni Jesus tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa(A)
19 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga ito, nilisan niya ang Galilea at pumunta sa mga nasasakupan ng Judea sa dakong ibayo ng Jordan. 2 Sumunod sa kanya ang napakaraming tao, at doon, sila'y kanyang pinagaling. 3 May mga Fariseong lumapit sa kanya at upang subukin siya, sila'y nagtanong, “Naaayon ba sa batas na paalisin ng isang tao ang kanyang asawa at hiwalayan ito sa anumang kadahilanan?” 4 Sumagot (B) siya, “Hindi ba ninyo nabasa na ang lumikha sa kanila noong pasimula ay ‘lumikha sa kanilang lalaki at babae,’ 5 at (C) sinabi rin, ‘Kaya nga iiwan ng isang tao ang kanyang ama at ina at ibubuklod sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isang laman’? 6 Sa gayon, hindi na sila dalawa kundi isang laman. Kaya't ang pinagbuklod na ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao.” 7 Nagtanong (D) sila sa kanya, “Kung gayon, bakit ipinag-utos sa amin ni Moises na magbigay ng kasulatan ng pagpapaalis at hiwalayan ang babae?” 8 Sumagot siya sa kanila, “Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan kayo ni Moises na hiwalayan ang inyong mga asawang babae; subalit noong pasimula ay hindi ganoon. 9 Sinasabi (E) ko sa inyo: sinumang magpaalis at makipaghiwalay sa kanyang asawa, liban na lamang kung pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. At sinumang nakipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.”[a] 10 Sinabi ng mga alagad sa kanya, “Kung gayon ang kalagayan ng isang taong may asawa, mas mabuti pang huwag mag-asawa.” 11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ito kayang tanggapin ng lahat maliban sa kanila na pinagkalooban nito. 12 Sapagkat may mga taong hindi makapag-asawa[b] dahil sa kanilang kapansanan buhat pa nang sila'y isilang. May mga tao namang hindi makapag-asawa dahil sa kagagawan ng ibang tao. At may mga taong nagpasyang hindi na mag-asawa alang-alang sa kaharian ng langit. Ang may kayang tumanggap nito ay hayaang tumanggap nito.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.