Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 88 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 91-92' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Bilang 13:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Bilang 13:21-30' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 2:25-3:8

25 Totoong mahalaga ang pagiging tuli kung tinutupad mo ang Kautusan. Ngunit kung lumalabag ka sa Kautusan, para ka ring hindi tuli. 26 Kaya't kung ang mga hindi tuli ay tumutupad sa mga itinatakda ng Kautusan, hindi ba maibibilang na rin silang parang mga tuli? 27 Kaya't siya na hindi tuli, subalit namumuhay ayon sa Kautusan, ang hahatol sa iyo, na tuli at mayroong Kautusang nakasulat, subalit sinusuway naman ito. 28 Sapagkat ang pagiging tunay na Judio ay hindi sa panlabas lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi dahil tinuli ka sa laman. 29 Ang (A) pagiging tunay na Judio ay nasa kalooban. At ang tunay na pagtutuli nama'y pagtutuli sa puso, sa pamamagitan ng Espiritu at hindi ng nakasulat na Kautusan. Ang karangalan ng taong iyon ay hindi mula sa mga tao kundi mula sa Diyos.

Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging Judio? Ano ang pakinabang sa pagiging tuli? Napakarami! Una sa lahat, sa mga Judio ipinagkatiwala ang mga aral ng Diyos. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig bang sabihin noo'y hindi na rin tapat ang Diyos? Huwag nawang mangyari! (B) Mananatiling tapat ang Diyos, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya ng nasusulat:

“Sa Iyong mga salita'y kikilalanin kang matuwid,
    kapag hinatulan ka, ika'y mananaig.”

Subalit kung ang ating kasamaan ay nagpapatibay sa katuwiran ng Diyos, masasabi ba nating ang Diyos ay di-makatarungan dahil sa pagbubuhos niya ng poot? Nangangatwiran ako ayon sa pananaw ng tao. Huwag nawang mangyari! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan? Subalit maaaring may magsabi, “Kung dahil sa aking pagsisinungaling ay sumagana ang katotohanan ng Diyos at higit pa siyang niluluwalhati, bakit hinahatulan pa rin ako bilang isang makasalanan?” Bakit hindi na lang natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama upang magbunga ng mabuti?” Iyan daw ang sinasabi natin, ayon sa paninirang-puri sa atin ng iba. Nararapat lang ang parusa sa kanila.

Mateo 18:21-35

21 Noon (A) ay lumapit si Pedro at sinabi sa kanya, “Panginoon, hanggang ilang ulit ko po bang patatawarin ang aking kapatid kapag siya'y nagkasala sa akin? Hanggang pitong ulit po ba?” 22 Sumagot (B) si Jesus, “Hindi ko sinasabi sa iyo na hanggang pitong ulit, sa halip ay hanggang sa ikapitong pitumpu.[a]

Ang Talinghaga ng Aliping Hindi Nagpapatawad

23 “Kaya't ang kaharian ng langit ay maihahambing dito: May isang haring nagpasyang ipatawag ang kanyang mga alipin upang sila'y makipag-ayos tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang magsimula na siyang magkuwenta, iniharap sa kanya ang isang may utang sa kanya ng sampung libong talento.[b] 25 Sapagkat wala siyang maibayad, ipinag-utos ng kanyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kanyang asawa at mga anak, at samsamin ang lahat ng kanyang ari-arian upang siya'y magbayad. 26 Kaya't lumuhod ang alipin, at nakiusap, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng palugit at makababayad din ako sa lahat ng utang ko sa inyo.’ 27 Nahabag naman sa alipin ang kanyang panginoon, kaya't siya'y pinakawalan at pinatawad sa kanyang pagkakautang. 28 Subalit sa paglabas ng alipin ding iyon, ay nakita niya ang isa niyang kapwa alipin na may utang sa kanya ng isandaang denaryo. Bigla niya itong hinawakan at sinakal, ‘Magbayad ka na ng utang mo,’ ang sabi niya. 29 Lumuhod sa harap niya ang kanyang kapwa alipin at nakiusap sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng palugit, at babayaran kita.’ 30 Subalit hindi siya mapakiusapan. Sa halip ay umalis siya at ipinakulong ang kapwa alipin[c] hanggang sa makapagbayad ito ng utang. 31 Nang makita ng iba pang mga alipin ang pangyayari, labis nila itong ikinalungkot. Pumunta sila sa kanilang panginoon at isinumbong sa kanya ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag nga siya ng kanyang panginoon, at sinabi sa kanya, ‘Napakasama mong alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang sapagkat nakiusap ka sa akin. 33 Hindi ba dapat naawa ka sa iyong kapwa alipin, kung paanong naawa ako sa iyo?’ 34 At sa galit ay ibinigay siya ng kanyang panginoon sa mga tagapagparusa sa loob ng bilangguan hanggang sa makabayad siya sa lahat ng kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin ng aking Amang nasa langit sa bawat isa sa inyo kung hindi kayo taos-pusong magpapatawad sa inyong kapatid.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.