Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 119:97-120' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 81-82' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Bilang 11:24-35' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 1:28-2:11

28 At palibhasa'y nagpasya na silang hindi kilalanin ang Diyos, hinayaan na ng Diyos na pagharian sila ng mahalay na pag-iisip at ng mga gawang kasuklam-suklam. 29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, at kahalayan. Naghari sa kanila ang pagkainggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis, 30 mapanirang-puri, namumuhi sa Diyos, walang-pakundangan, mapagmataas, at mayayabang. Nasanay na sila sa pagkatha ng kasamaan, at naging suwail sa mga magulang. 31 Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang malasakit, mga walang awa. 32 Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito. Gayunman, nagpatuloy sila sa paggawa ng mga bagay na ito at natutuwa pang makita ang iba na gumagawa rin ng gayon.

Ang Makatarungang Hatol ng Diyos

Kaya't (A) wala kang maidadahilan, sino ka mang humahatol sa iba. Sapagkat sa paghatol mo sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayon. Nalalaman nating batay sa katotohanan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng gayon. Kaya ikaw, tao, akala mo ba'y makatatakas ka sa hatol ng Diyos kung humahatol ka sa iba ngunit gumagawa ka rin ng masasamang gawaing hinahatulan mo? O baka naman sinasamantala mo ang yaman ng kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga ng Diyos? Hindi mo ba naunawaan na ang kabutihan ng Diyos ang nag-aakay sa iyo tungo sa pagsisisi? Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ang puso mo'y ayaw magsisi, lalo mong pinabibigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw ng poot ng Diyos, kung kailan ihahayag niya ang kanyang makatarungang paghatol. Igagawad (B) niya sa mga tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Ipagkakaloob naman ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa mga taong nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti, naghahanap ng karangalan, kadakilaan at ng kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga makasarili at sumusunod sa kasamaan sa halip na sa katotohanan. Pagdurusa at pighati ang daranasin ng bawat taong gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griyego. 10 Subalit karangalan, kapurihan, at kapayapaan naman sa bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griyego. 11 Sapagkat (C) ang Diyos ay walang kinikilingan.

Mateo 18:1-9

Ang Pinakadakila(A)

18 Nang (B) sandaling iyon ay lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Pinalapit niya ang isang munting bata at inilagay sa gitna nila. At sinabi (C) niya, “Tinitiyak ko sa inyo, kung hindi kayo magbabago at magiging katulad ng mga bata, hindi kayo kailanman makapapasok sa kaharian ng langit. Kaya't sinumang nagpapakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Mga Sanhi ng Pagkakasala(D)

“At sinumang tumatanggap sa isang batang tulad nito dahil sa pangalan ko ay ako ang tinatanggap. Ngunit sinumang maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, mas mabuti pa sa taong iyon na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y lunurin sa kailaliman ng dagat. Kaysaklap ng sasapitin ng sanlibutan dahil sa mga sanhi ng pagkakasala! Sadya namang darating ang mga sanhi ng pagkakasala. Subalit kay saklap ng sasapitin ng taong pinanggagalingan ng mga sanhi ng pagkakasala! Kaya't (E) kung ang kamay mo o ang paa mo ang nagtutulak sa iyo upang magkasala, putulin mo ito at itapon. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay[a] na may kapansanan o paralitiko kaysa may dalawang kamay o dalawang paa na maitapon ka sa apoy na walang hanggan. At (F) kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo upang magkasala, dukutin mo ito at itapon. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kaysa may dalawa kang mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.[b]

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.