Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 61-62' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 68 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mangangaral 8:14-9:10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Galacia 4:21-31

Paghahambing kina Hagar at Sarah

21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagnanais pailalim sa Kautusan: hindi ba ninyo naririnig ang sinasabi ng Kautusan? 22 Sapagkat (A) nasusulat doon na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, isa sa aliping babae, at isa sa babaing malaya. 23 Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan,[a] ngunit ang anak niya sa babaing malaya ay isinilang bilang katuparan ng pangako ng Diyos. 24 Ito'y isang paghahambing: Ang mga babaing ito'y larawan ng dalawang tipan. Ang isa ay ang tipan na nagmula sa bundok ng Sinai na inilalarawan ni Hagar na nagsilang ng mga anak para sa pagkaalipin. 25 Ngayon, si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai sa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. 27 Sapagkat (B) nasusulat,

“Magalak ka, O babaing baog, ikaw na hindi magkaanak;
    umawit ka at humiyaw sa galak, ikaw na ang sakit sa panganganak ay hindi man lang dinanas;
sapagkat ang mga babaing pinabayaan ay higit na marami ang supling
    kaysa supling ng mga babaing may asawang kapiling.”

28 At tulad ni Isaac, kayo, mga kapatid, ay mga anak ayon sa pangako. 29 Kung paanong inusig noon (C) ng ipinanganak sa karaniwang paraan ang ipinanganak ayon sa Espiritu, ganoon din naman ngayon. 30 Subalit (D) ano ang sinasabi ng kasulatan? “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat hindi magmamanang magkasama ang anak ng babaing alipin at ang anak ng babaing malaya.” 31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga supling ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.

Mateo 15:29-39

Maraming Pinagaling si Jesus

29 Umalis doon si Jesus at bumagtas sa tabi ng Dagat ng Galilea. Umakyat siya sa bundok at naupo roon. 30 Dumagsa sa kanya ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, mga paralitiko, mga bulag, mga pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga ito sa kanyang paanan at sila'y kanyang pinagaling. 31 Namangha ang maraming tao nang makita nilang nakapagsasalita ang mga pipi, lumalakas ang mga paralitiko, nakalalakad ang mga piláy, at nakakikita ang mga bulag. At pinuri nila ang Diyos ng Israel.

Pinakain ang Apat na Libo(A)

32 Pagkatapos ay tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Naaawa ako sa maraming taong ito, sapagkat tatlong araw ko na silang kasama at ngayon ay wala silang pagkain. Ayaw ko naman silang paalising gutóm, at baka himatayin sila sa daan.” 33 At sinabi sa kanya ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na tinapay sa liblib na pook na ito upang ipakain sa ganito karaming tao?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ilan ba ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.” 35 Pinaupo niya sa lupa ang mga tao, 36 kinuha ang pitong tinapay at ang mga isda at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga tao. 37 Silang lahat ay kumain at nabusog. At nakapagtipon sila ng pitong kaing na punô ng mga labis na pinagputul-putol na pagkain. 38 May apat na libong lalaki ang kumain bukod pa sa mga babae at sa mga bata. 39 Pagkatapos pauwiin ang maraming tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa nasasakupan ng Magadan.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.