Book of Common Prayer
Mga Tagubilin tungkol sa Pananalangin
2 Una sa lahat, hinihimok ko kayong ipanalangin ang lahat ng tao. Idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, dalangin, pagsamo at pasasalamat para sa kanila. 2 Ipanalangin ninyo ang mga hari at ang lahat ng may mataas na tungkulin, upang tayo ay mamuhay nang tahimik, payapa, marangal at may kabanalan. 3 Ito'y mabuti at kinalulugdan ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Ibig niyang ang lahat ay maligtas at makaalam sa katotohanan. 5 Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. 6 Ibinigay niya ang kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat; isang patotoong pinatunayan sa takdang panahon.
Paliwanag sa Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)
18 “Ngayon, pakinggan ninyo ang ibig sabihin ng talinghaga ng manghahasik: 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig tungkol sa kaharian, ngunit hindi niya ito inuunawa, dumarating ang diyablo[a] at inaagaw ang naihasik sa kanyang puso. Ito ang tinutukoy na mga naihasik sa may tabing daan. 20 Tungkol naman sa mga naihasik sa mga batuhan, ito ang taong nakikinig ng salita at agad itong tinatanggap nang may kagalakan, 21 gayunma'y hindi siya nagkaroon ng ugat, at hindi gaanong nagtatagal. Kapag may dumating na kagipitan o pag-uusig dahil sa salita, madali siyang natitisod. 22 Tungkol sa naihasik sa may mga halamang tinikan, ito ang taong nakikinig ng salita ngunit ang mga alalahanin sa sanlibutan at ang panlilinlang ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita, anupa't hindi ito nakapamumunga. 23 Tungkol naman sa naihasik sa mabuting lupa, siya ang taong nakikinig ng salita at nauunawaan ito, kaya't siya nga ang namumunga. May namumunga ng isandaan, ang iba ay animnapu, at ang iba ay tatlumpu.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.