Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 119:49-72' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 49 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 53 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Exodo 33 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Tesalonica 2:1-12

Ang Gawain ni Pablo sa Tesalonica

Alam ninyong lahat mga kapatid na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong pinahirapan kami at hinamak sa Filipos, ngunit ang Diyos ang nagbigay ng lakas ng loob sa amin na ipahayag sa inyo ang kanyang ebanghelyo sa kabila ng maraming pagtutol. Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi nagmumula sa masamang layunin at hangad na manlinlang o kaya nama'y nais namin kayong dalhin sa kamalian. Dahil minarapat ng Diyos na sa amin ay ipagkatiwala ang ebanghelyo, nangangaral kami hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakasisiyasat ng aming puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri sa aming pangangaral, o ginamit ang aming pangangaral bilang balatkayo ng anumang sakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri ng sinumang tao, kahit mula sa inyo, bagaman bilang mga apostol ni Cristo ay may katwiran kaming humingi ng tulong sa inyo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang anak. Dahil sa laki ng aming pananabik sa inyo, buong kagalakang ibinahagi namin sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay, dahil napamahal na kayo sa amin. Tiyak na naaalala pa ninyo, mga kapatid, ang mga pagod at hirap namin; kung paano kami nagsikap araw at gabi upang hindi kami maging pasanin ninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos. 10 Kayo at ang Diyos ang aming saksi kung paano naging dalisay, matuwid, at walang-kapintasan ang aming pakikitungo sa inyong mga mananampalataya. 11 Alam ninyo kung paano kami naging tulad ng isang ama sa bawat isa sa inyo. 12 Pinayuhan namin kayo, pinalakas ang inyong loob at hinikayat na mamuhay na karapat-dapat sa Diyos na tumatawag sa inyong makibahagi sa kanyang paghahari at luwalhati.

Mateo 5:17-20

Ang Turo tungkol sa Kautusan

17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-saysay ang Kautusan o ang sinulat ng mga propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-saysay kundi isakatuparan ang mga ito. 18 Sapagkat tinitiyak ko sa inyo, lumipas man ang langit at ang lupa, ni isang munting titik o isang kudlit ng Kautusan ay hindi lilipas hanggang sa maisakatuparan ang lahat ng mga bagay. 19 Kaya't sinumang sumuway kahit sa pinakamaliit sa mga utos na ito at turuan ang mga tao ng pagsuway ay ituturing na pinakamaliit sa kaharian ng langit. Ngunit sinumang tumutupad at nagtuturo sa mga tao na sundin ang mga ito ay ituturing na dakila sa kaharian ng langit. 20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kung ang inyong pagiging matuwid ay hindi hihigit sa pagiging matuwid ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.