Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 5-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 10-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Exodo 15:1-21' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Pedro 1:13-25

Panawagan Tungo sa Banal na Pamumuhay

13 Kaya't ihanda na ninyo ang inyong isipan para sa dapat ninyong gawin.[a] Magpigil kayo sa sarili at lubos na asahan ang pagpapalang mapasasainyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong mabuhay sa masasamang hilig na ginagawa ninyo noong wala pa kayong kaalaman. 15 Sa halip, kung paanong banal ang Diyos na tumawag sa inyo, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa. 16 Sapagkat (A) nasusulat, “Maging banal kayo, sapagkat ako'y banal.”

17 Dahil tinatawag ninyong Ama ang Diyos na hindi nagtatangi sa kanyang paghatol sa mga gawa ng tao, mamuhay kayong may takot sa kanya sa buong panahon ng inyong pagiging dayuhan. 18 Alam ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. At ang ipinantubos sa inyo'y hindi mga bagay na nasisira tulad ng pilak o ginto, 19 kundi ang mahalagang dugo ni Cristo, tulad sa korderong walang dungis at kapintasan. 20 Itinalaga na siya ng Diyos bago pa nilikha ang sanlibutan, ngunit ipinahayag sa katapusan ng panahon dahil sa inyo. 21 Sa pamamagitan ni Cristo ay sumampalataya kayo sa Diyos, na bumuhay at nagparangal sa kanya, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos. 22 Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. 23 Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng binhing nasisira kundi sa pamamagitan ng buháy at nananatiling salita ng Diyos. 24 Sapagkat, (B)

“Ang lahat ng tao'y gaya ng damo,
    at lahat ng kaluwalhatian nila'y tulad ng bulaklak sa parang.
Ang damo'y natutuyo,
    at nalalanta ang bulaklak,
25 subalit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”

At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Juan 14:18-31

18 Hindi ko kayo iiwang parang mga ulila. Darating ako sa inyo. 19 Sandaling panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako. Dahil ako ay buháy, kayo rin ay mabubuhay. 20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo. 21 (A)Ang nagtataglay ng mga utos ko at tumutupad sa mga ito ay siyang nagmamahal sa akin. At siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama. Mamahalin ko siya at ihahayag ko ang aking sarili sa kanya.” 22 Si Judas, hindi si Iscariote, ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, bakit po ninyo ihahayag ang inyong sarili sa amin, at hindi sa sanlibutan?” 23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama. Darating kami sa kanya at maninirahan kaming kasama niya. 24 Ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita, at ang salitang naririnig ninyo ay hindi sa akin, kundi mula sa Ama na nagsugo sa akin.

25 “Sinabi ko ang mga ito sa inyo habang kasama pa ninyo ako. 26 Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi tulad ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag ninyong hayaang mabagabag ang inyong kalooban o kaya'y matakot. 28 Narinig ninyo na sinabi ko sa inyo, ‘Aalis ako, at darating ako sa inyo.’ Kung minamahal ninyo ako, magagalak kayo na pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin. 29 At ngayon, sinabi ko na ito sa inyo, bago pa ito mangyari, upang kapag nangyari na ito, ay maniwala kayo. 30 Kaunti na lang ang masasabi ko sa inyo, dahil dumarating na ang pinuno ng sanlibutan. Ngunit wala siyang karapatan sa akin. 31 Ngunit upang malaman ng sanlibutan na minamahal ko ang Ama, ginagawa ko kung ano ang iniutos niya sa akin. Tumayo na kayo. Umalis na tayo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.