Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 103 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 114-115' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Deuteronomio 8:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Colosas 1:1-14

Pagbati

Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at kay Timoteo na ating kapatid, Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo na nasa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.

Pasasalamat para sa mga Taga-Colosas

Nagpapasalamat kami sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa tuwing kami ay nananalangin para sa inyo, sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang inyong pag-ibig para sa lahat ng mga banal, dahil sa pag-asang nakalaan sa inyo sa langit. Nang nakaraang panahon ay narinig ninyo ang tungkol dito sa pamamagitan ng mensahe ng katotohanan, ang ebanghelyo, na dumating sa inyo. Kung paanong sa buong daigdig ay namumunga at lumalaganap ang ebanghelyong ito, ay gayundin naman sa inyo, mula nang araw na inyong narinig at naunawaan ang tunay na kahulugan ng biyaya ng Diyos. Natutuhan (A) ninyo ito kay Epafras, ang minamahal naming kapwa lingkod. Siya ay tapat na lingkod ni Cristo alang-alang sa inyo,[a] at siya ang nagpahayag sa amin tungkol sa inyong pag-ibig sa pamamagitan ng Espiritu.

Dahil dito, mula nang araw na mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, ay walang tigil kaming nananalangin para sa inyo. Hinihiling namin sa Diyos na kayo'y mapuspos ng kaalaman tungkol sa kanyang kalooban sa lahat ng espirituwal na karunungan at pang-unawa. 10 Ang kayo'y magpatuloy sa pamumuhay nang karapat-dapat sa Panginoon, nagbibigay-kasiyahan sa kanya sa lahat ng bagay, namumunga sa lahat ng uri ng mabuting gawa, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos. 11 Palakasin nawa kayo na taglay ang buong kapangyarihan, ayon sa kanyang maluwalhating kalakasan—upang kayo'y maging matatag at makaya ninyong tiisin ang lahat ng bagay, habang may galak 12 na nagpapasalamat sa Ama, na siyang nagbigay sa atin ng karapatang makibahagi sa pamana para sa mga banal na nasa liwanag. 13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin tungo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 (B) Sa kanya ay mayroon tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.[b]

Juan 6:30-33

30 Kaya sinabi nila sa kanya, “Ano pong himala ang maipapakita ninyo sa amin upang maniwala kami sa iyo? Ano pong ginagawa ninyo? 31 (A)Ang mga ninuno namin ay kumain ng manna sa ilang; tulad ng nasusulat, ‘Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang makain.’ ” 32 Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ito ang katotohanan, sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama ang nagbigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.”

Juan 6:48-51

48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga ninuno sa ilang, gayunma'y namatay sila. 50 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, upang ang sinumang kumain nito ay hindi mamatay. 51 Ako ang tinapay na nabubuhay na bumaba mula sa langit; sinumang kumain sa tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na ibibigay ko para sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking katawan.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.