Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 87

Salmo ng mga anak ni Core; Awit.

87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

Mga Awit 90

IKAAPAT NA AKLAT

Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.

90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
(C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
(E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
(H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit,
At sa iyong poot ay nangabagabag kami.
(I)Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo,
(J)Ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot:
Aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
10 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit,
At ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
12 (K)Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan,
Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
13 (L)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (M)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (N)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (O)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (P)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.

Mga Awit 136

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Sa kaniya na (C)gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(D)Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(E)Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(F)Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 (G)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (H)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (I)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (J)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (K)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (L)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (M)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (N)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (O)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (P)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (Q)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (R)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (S)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 (T)Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Joel 3:9-17

Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.

10 Gawin ninyong mga (A)tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.

11 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

12 Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa (B)libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang (C)hatulan ang lahat na bansa sa palibot.

13 Gamitin ninyo ang karit; (D)sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't (E)ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.

14 Mga karamihan, mga karamihan (F)sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.

15 (G)Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.

16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

17 (H)Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na (I)bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga (J)taga ibang lupa.

Santiago 2:1-13

Mga kapatid ko, (A)yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon (B)ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.

Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;

At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;

Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?

Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; (C)hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging (D)mayayaman sa pananampalataya, at mga (E)tagapagmana (F)ng kahariang (G)ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya?

Nguni't (H)inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, (I)at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?

Hindi baga (J)nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y (K)itinatawag?

Gayon man kung inyong ganapin (L)ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, (M)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti:

Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.

10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, (N)ay nagiging makasalanan sa lahat.

11 Sapagka't ang nagsabi, (O)Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan.

12 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan (P)ng kautusan ng kalayaan.

13 Sapagka't ang (Q)paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.

Lucas 16:10-18

10 Ang mapagtapat (A)sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.

11 Kung kayo nga'y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan?

12 At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba, sino ang sa inyo'y magbibigay ng sa inyong sarili.

13 Walang (B)aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya'y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.

14 At ang mga Fariseo, (C)na pawang maibigin sa salapi, ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito; at siya'y tinutuya nila.

15 At sinabi niya sa kanila, Kayo ang (D)nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.

16 Ang kautusan (E)at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at (F)ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit.

17 Nguni't lubhang (G)magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan.

18 Ang bawa't lalaki na inihihiwalay (H)ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978