Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Jonath-elem-rehokim. Awit ni David: Michtam: nang hulihin siya ng mga (A)Filisteo sa Gat.
56 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
2 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
3 Sa panahong ako'y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (C)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6 Sila'y nagpipisan, (D)sila'y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang (E)pagaabang sa aking kaluluwa.
7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
(F)Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
(G)Wala ba sila sa iyong aklat?
9 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag:
Ito'y nalalaman ko, sapagka't ang (H)Dios ay kakampi ko.
10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (I)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13 Sapagka't (J)iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako'y makalakad sa harap ng Dios
(K)Sa liwanag ng buhay.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (L)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (M)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (N)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(O)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 (P)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(Q)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (R)matalas na tabak.
5 (S)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng (T)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (U)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 (V)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 (W)Gumising ka, (X)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (Y)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (Z)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (AA)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (AB)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (AC)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (AD)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(AE)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (AF)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(AG)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (AH)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (AI)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (AJ)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (AK)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (AL)humahatol sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(I)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (J)lilinisin mo.
4 (K)Mapalad ang tao na (L)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(M)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(N)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (O)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (P)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(Q)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (R)Iyong dinadalaw ang lupa, at (S)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(T)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (U)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
Si David ay ginawang hari sa Juda.
2 At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron.
2 Sa gayo'y umahon si David doon, at pati ng kaniyang (A)dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.
3 (B)At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa't lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan: at sila'y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron.
4 At (C)nagsiparoon ang mga lalake ng Juda, at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda. At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, (D)Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul.
5 At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, (E)Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya.
6 (F)At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito.
7 Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.
Si Is-boseth ay hari sa Israel.
8 (G)Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si (H)Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;
9 At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel.
10 Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya'y magpasimulang maghari sa Israel, at siya'y naghari na dalawang taon. Nguni't ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David.
11 At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan.
36 At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid (A)sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.
37 At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si (B)Juan, na tinatawag na Marcos.
38 Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila (C)ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.
39 At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni (D)Bernabe si Marcos, at lumayag sa (E)Chipre:
40 Datapuwa't hinirang ni Pablo si (F)Silas, at yumaon, na sila'y (G)ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.
41 At kaniyang tinahak ang (H)Siria at Cilicia, (I)na pinagtitibay ang mga iglesia.
16 At siya'y naparoon din naman sa (J)Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang (K)Timoteo, na (L)anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.
2 Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.
3 Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at (M)kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.
4 At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila (N)ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.
5 Kaya nga, (O)ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.
14 (A)At narinig ng haring Herodes; sapagka't nabantog na ang pangalan niya; at sinabi niya, Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay, at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito.
15 At sinasabi ng mga iba, (B)Siya'y si Elias. At sinasabi ng mga iba, Siya'y propeta, na gaya ng ibang mga propeta.
16 Datapuwa't nang marinig ni Herodes, ay sinabi, Si Juan na aking pinugutan ng ulo, siya'y nagbangon.
17 Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya.
18 Sapagka't sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid.
19 At ipinagtanim siya ni Herodias, at hinahangad siyang patayin; at hindi niya magawa;
20 Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya (C)na may galak.
21 At nang sumapit ang isang kaukulang araw, na kapanganakan niya, ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo, at mga mataas na kapitan, at mga pangulong lalake (D)sa Galilea;
22 At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw, at siya'y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang; at sinabi ng hari sa dalaga, Hingin mo sa akin ang maibigan mo, at ibibigay ko sa iyo.
23 At ipinanumpa niya sa kaniya, Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian.
24 At lumabas siya, at sinabi sa kaniyang ina, Ano ang aking hihingin? At sinabi niya, Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo.
25 At pagdaka'y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari, at humingi, na sinasabi, Ibig ko na (E)ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
26 At namanglaw na lubha ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang sumpa, at sa nangakaupo sa dulang, ay hindi niya itinanggi.
27 At pagdaka'y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay, at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya: at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan,
28 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina.
29 At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad, ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay, at inilagay sa isang libingan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978