Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 40

Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
(E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
(F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
(G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
(I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
(L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (O)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (P)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (Q)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (R)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (S)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (T)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (U)mangagsabi nawang palagi,
(V)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (W)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (X)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Mga Awit 54

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga (A)Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?

54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
Sapagka't (B)ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
Narito, ang Dios ay aking katulong:
(C)Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
(D)Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
(E)Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, (F)sapagka't mabuti.
Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
(G)At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Mga Awit 51

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si (A)Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya'y makapasok kay Bath-seba.

51 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan (C)ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
(D)Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
Sapagka't (E)kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
(F)Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
(G)Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
(H)Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
(I)Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis:
Hugasan mo ako (J)at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang (K)ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At (L)magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa (M)iyong harapan;
(N)At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako (O)ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad;
At ang mga makasalanan ay (P)mangahihikayat sa iyo.
14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan;
At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi;
At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't (Q)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 (R)Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18 (S)Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion:
(T)Itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19 Kung magkagayo'y malulugod ka (U)sa mga hain ng katuwiran,
Sa handog na susunugin at sa (V)handog na susunuging buo:
Kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.

Job 29:1

Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.

29 At (A)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,

Job 31:24-40

24 (A)Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa,
At sinabi ko sa dalisay na ginto, Ikaw ay aking tiwala;
25 (B)Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki,
At sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 (C)Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat,
O sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27 At ang aking puso ay napadayang lihim,
At hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28 Ito may isang (D)kasamaang marapat parusahan ng mga hukom:
Sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29 (E)Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin,
O nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30 (F)(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan
Sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
Sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32 (G)Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan;
Kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang,
(H)Sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan,
At pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan.
Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 (I)O mano nawang may duminig sa akin!
(Narito ang aking tala, sagutin (J)ako ng Makapangyarihan sa lahat;)
At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat;
Aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang,
Gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin,
At ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad,
O ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40 Tubuan ng dawag (K)sa halip ng trigo,
At ng mga masamang damo sa halip ng cebada.

Ang mga salita ni Job ay natapos.

Mga Gawa 15:12-21

12 At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil (A)sa pamamagitan nila.

13 At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot (B)si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako:

14 (C)Sinaysay na ni (D)Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan.

15 At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat,

16 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik,
(E)At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak;
At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya.
At ito'y aking itatayo:
17 Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon,
At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan,
18 Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.

19 Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay (F)nangagbabalik-loob sa Dios;

20 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga (G)ikahahawa sa diosdiosan, at sa (H)pakikiapid, at sa binigti, at (I)sa dugo.

21 Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y (J)binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath.

Juan 11:30-44

30 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)

31 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.

32 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.

33 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,

34 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.

35 Tumangis si Jesus.

36 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!

37 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na (A)nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?

38 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at (B)mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.

39 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.

40 Sinabi sa kaniya ni Jesus, (C)Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo (D)ang kaluwalhatian ng Dios?

41 Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.

42 At nalalaman ko na ako'y lagi mong (E)dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

43 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.

44 Siya na patay ay lumabas, (F)na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978