Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 131-135' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Kawikaan 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 5:13-21

13 Isinulat ko ang mga ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos, upang malaman ninyo na kayo'y may buhay na walang hanggan. 14 At ito ang katiyakang taglay natin sa kanya: kung anuman ang hihilingin natin ayon sa kanyang kalooban, pinakikinggan niya tayo. 15 At kung alam nating pinakikinggan niya tayo sa anumang hinihiling natin, nakatitiyak na tayo na tatanggapin natin ang hiniling natin mula sa kanya.

16 Kung makita ng sinuman ang kanyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi tungo sa kamatayan, ipanalangin niya ito, at ito ay bibigyan ng Diyos ng buhay, at ganoon din sa mga gumagawa ng kasalanang hindi tungo sa kamatayan. May kasalanang tungo sa kamatayan; hindi tungkol dito ang sinasabi ko na ipanalangin ninyo. 17 Lahat ng kasamaan ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi tungo sa kamatayan.

18 Alam na nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan, sapagkat iniingatan siya ng Anak ng Diyos at hindi siya nagagawang saktan ng Masama. 19 Alam na natin na tayo ay sa Diyos, at ang buong sanlibutan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Masama. 20 At alam na nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pagkaunawa upang makilala natin siya na totoo; at tayo ay nasa kanya na totoo. Samakatuwid, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan. 21 Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

Juan 11:55-12:8

55 Malapit na noon ang pista ng Paskuwa ng mga Judio, at maraming nagpunta sa Jerusalem mula sa kanayunan bago mag-Paskuwa upang maglinis ng mga sarili ayon sa kautusan. 56 Hinahanap nila si Jesus at habang nakatayo sa templo ay nagtatanungan, “Ano sa palagay ninyo? Hindi kaya siya pupunta sa pista?” 57 Nag-utos ang mga punong pari ng mga Judio at ang mga Fariseo na ipagbigay-alam sa kanila ng sinumang nakaaalam kung nasaan si Jesus upang siya'y maipadakip nila.

Binuhusan ng pabango si Jesus

12 Anim na araw bago ang Paskuwa nang magpunta si Jesus sa Betania, sa bahay ni Lazaro na binuhay niya mula sa mga patay. Naghanda sila ng pagkain para kay Jesus. Nagsisilbi si Marta sa hapag kainan habang si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Jesus. (A)Kumuha si Maria ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa purong nardo. Ibinuhos niya ito sa mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok. Napuno ng halimuyak ng pabango ang buong bahay. Subalit isa sa kanyang mga alagad, si Judas Iscariote, na siyang magkakanulo sa kanya ay nagsabi, “Bakit hindi na lang ibinenta ang pabangong ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mahihirap?” Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha, kundi dahil siya ay magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng supot ng salapi at kinukupitan niya ito. Sinabi ni Jesus, “Hayaan mo siya. Pinaghahandaan lamang niya ang araw ng aking libing. (B)Lagi ninyong kasama ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.