Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 63 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 98 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 103 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Deuteronomio 11:1-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 10

Ang Anghel at ang Maliit na Balumbon

10 Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na bumababa mula sa langit. Siya'y nababalutan ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulo; ang mukha niya ay tulad ng araw, at ang kanyang mga binti ay parang mga haliging apoy. May hawak siyang maliit na balumbong nakabukas. Itinapak niya sa dagat ang kanyang kanang paa, at sa lupa ang kaliwa. Sumigaw siya nang napakalakas, tulad ng isang leong umaatungal. Pagsigaw niya, dumagundong ang pitong kulog. Pagkatapos ng dagundong, susulat na sana ako, ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Takpan mo ng tatak ang mga sinabi ng pitong kulog, at huwag mong isulat ang mga ito.” At (A) itinaas ng anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay sa langit. Sumumpa siya sa kanya na nabubuhay magpakailanman, sa kanya na lumikha ng langit at ng lahat ng naroroon, ng lupa at lahat ng naroroon, at ng dagat at lahat ng naroroon: “Hindi na patatagalin pa, ngunit sa mga araw na hihipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, magaganap ang hiwaga ng Diyos ayon sa inihayag niya sa kanyang mga lingkod na propeta.”

At (B) nagsalitang muli ang tinig na narinig ko mula sa langit, “Humayo ka, kunin mo ang bukas na balumbon sa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.” Kaya pumunta ako sa anghel at hiningi ko sa kanya ang munting balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo, at kainin mo; mapait ito sa tiyan, subalit sintamis naman ng pulot sa iyong bibig.” 10 Inabot ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ito. Kasintamis ito ng pulot, subalit nang makain ko'y pumait ang tiyan ko.

11 At sinabi nila sa akin, “Kailangang magpahayag kang muli ng propesiya tungkol sa maraming bansa, mga lahi, mga wika, at mga hari.”

Mateo 13:44-58

Ang Kayamanang Nakabaon

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.

Ang Mamahaling Perlas

45 “Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. 46 Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas.

Ang Lambat

47 “At muli, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuhuli ng lahat ng uri ng isda. 48 Kapag puno na ito, hinihila ito ng mga tao sa dalampasigan. Nauupo sila upang piliin ang mabubuting isda at ilagay sa mga sisidlan, ngunit itinatapon ang mga hindi mapakikinabangan. 49 Ganoon ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Magdadatingan ang mga anghel at ibubukod nila ang masasama sa matutuwid 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kayamanang Bago at Luma

51 “Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga ito?” Sumagot ang mga alagad, “Opo.” 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya't ang bawat tagapagturo ng Kautusan na sinanay para sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang imbakan ng kayamanan.”

Itinakwil si Jesus sa Nazareth(A)

53 Pagkatapos isalaysay ni Jesus ang mga talinghagang ito, nilisan niya ang lugar na iyon. 54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan, nagturo siya sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha sila sa kanya, at nagsabi, “Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan? Paano niya nagagawa ang himalang ito? 55 Hindi ba't ito ang anak ng karpintero? Di ba't Maria ang pangalan ng kanyang ina? Di ba't mga kapatid niya sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? 56 Hindi ba't narito sa bayan natin ang lahat ng kanyang mga kapatid na babae? Saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?” 57 At (B) natisod sila sa kanya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay kinikilala kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” 58 Kaya't hindi siya gumawa roon ng maraming himala dahil sa hindi nila pagsampalataya.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.