Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 26

Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.

26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
(D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
(E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
(F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Mga Awit 28

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Mga Awit 36

Kasalanan ng tao at ang pagibig ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni (A)David na lingkod ng Panginoon.

36 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
(B)Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
(C)Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata,
Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan:
(D)Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
Siya'y kumakatha ng (E)kasamaan sa kaniyang higaan;
Siya'y lumagay (F)sa isang daan na hindi mabuti;
Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
Ang iyong kagandahang-loob, (G)Oh Panginoon, ay nasa mga langit:
Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
(H)Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios:
Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman:
Oh Panginoon, iyong iniingatan (I)ang tao at hayop.
(J)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (K)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng (L)iyong bahay;
At iyong paiinumin sila (M)sa (N)ilog (O)ng iyong kaluguran.
(P)Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay:
(Q)Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa (R)kanila na nangakakakilala sa iyo:
At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan,
At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan:
Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.

Mga Awit 39

Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.

39 Aking sinabi, (A)Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
(B)Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
Ang aking puso ay (C)mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
Panginoon, (D)ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang (E)aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang (F)walang kabuluhan. (Selah)
Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(G)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(H)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(I)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(J)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
(K)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (L)ikaw ang gumawa.
10 (M)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
(N)Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(O)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(P)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (Q)gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 (R)Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.

Deuteronomio 6:16-25

16 (A)Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, (B)gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.

17 Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo.

18 At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon: (C)upang ikabuti mo, at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang,

19 (D)Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo, gaya ng sinalita ng Panginoon.

20 (E)Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin: Anong kahulugan ng mga patotoo, at ng mga palatuntunan, at ng mga kahatulan, na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios?

21 Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak: Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto, at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay.

22 At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at panggiba, sa Egipto, kay Faraon, at sa kaniyang buong sangbahayan, sa harap ng aming mga mata:

23 At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang.

24 At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, (F)sa ikabubuti natin kailan man, (G)upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito.

25 At (H)siya'y magiging katuwiran sa atin, kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, gaya ng iniutos niya sa atin.

Mga Hebreo 2:1-10

Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos.

Sapagka't kung ang ipinangusap na salita (A)sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;

Paanong makatatanan (B)tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? (C)na ipinangusap ng Panginoon noong una ay (D)pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng (E)mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang (F)kapangyarihan, at (G)ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.

Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel (H)ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.

Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,

(I)Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin?
O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;
Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
Inilagay mo (J)ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.

Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. (K)Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.

Kundi nakikita natin ang (L)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (M)lasapin niya ang kamatayan (N)dahil sa bawa't tao.

10 (O)Sapagka't marapat sa kaniya na (P)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (Q)na (R)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.

Juan 1:19-28

19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?

20 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.

21 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si (A)Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga (B)ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.

22 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?

23 Sinabi niya, (C)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.

24 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo.

25 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?

26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, (D)Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,

27 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.

28 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978