Book of Common Prayer
Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David
140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
(A)Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
(B)Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 (C)Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
5 (D)Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka (E)sila'y mangagmalaki. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila (F)ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 (G)Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na (H)aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (A)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 (B)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(C)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (D)parang hain sa kinahapunan.
3 (E)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (F)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 (G)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (H)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka't ang mga mata ko'y (I)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako (J)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (K)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (A)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (B)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (C)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (D)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (E)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (F)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(G)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (H)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(I)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (J)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(K)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (L)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (M)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (N)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (O)ako'y iyong lingkod.
9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.
10 (A)Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng (B)dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa (C)suhol, at ang mga saserdote, (D)niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y (E)sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
12 Kaya't ang Sion (F)ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.
Ang matiwasay na arawo.
4 Nguni't (G)sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
2 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;
3 (H)At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.
4 Kundi sila'y uupo (I)bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: (J)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (K)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (A)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.
26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (B)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.
27 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix (C)na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.
25 Nang makapasok na nga si Festo sa (D)lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.
2 At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay (E)nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,
3 Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; (F)na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.
4 Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.
5 Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.
6 At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.
7 At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio (G)na nagsilusong na galing sa Jerusalem, (H)na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;
8 Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, (I)Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.
9 Datapuwa't si Festo, (J)sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, (K)Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?
10 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.
11 Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako (L)kay Cesar.
12 Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.
8 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa,
2 At ang (A)ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
3 At (B)si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.
4 At (C)nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa't bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga:
5 Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito'y kinain ng mga ibon sa langit.
6 At ang iba'y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka't walang halumigmig.
7 At ang iba'y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao'y ininis.
8 At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
9 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.
10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; (D)upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
11 (E)Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.
12 At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas.
13 At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.
14 At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.
15 At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubungang (F)may pagtitiis.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978