Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 93 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 96 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 148 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 150 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Baruc 4:21-29' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Galacia 3:15-22

Ang Pangako kay Abraham

15 Mga kapatid, hayaan ninyong magbigay ako ng isang pang-araw-araw na halimbawa: kapag napagtibay na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-bisa o madadagdagan. 16 Ngayon, nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang binhi. Hindi sinasabi ng kasulatan na, “At sa mga binhi,” na nangangahulugang marami, kundi “At sa iyong binhi,” na nangangahulugang isa lamang, at ito'y si Cristo. 17 Ito (A) ang ibig kong sabihin: Ang kasunduan na dati nang pinagtibay ng Diyos ay hindi mapapawalang-bisa ng Kautusan. Ang mga pangako ng Diyos ay hindi mapapawalang-saysay ng Kautusan, na dumating lamang pagkaraan ng apatnaraan at tatlumpung taon. 18 Sapagkat (B) kung ang pamana ay nakasalig sa Kautusan, hindi na ito nakasalig sa pangako. Subalit ayon sa kagandahang-loob ng Diyos ay kanyang ipinagkaloob kay Abraham ang pamana bilang katuparan ng kanyang pangako.

Ang Layunin ng Kautusan

19 Kung ganoo'y bakit ibinigay pa ang Kautusan? Idinagdag ito upang ipakita ang mga pagsuway, hanggang sa dumating ang binhi na siyang pinangakuan. Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan. 20 Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa.

21 Nangangahulugan bang ang Kautusan ay sumasalungat sa mga pangako ng Diyos? Hindi! Kung may kautusang ibinigay na makapagbibigay-buhay, sana'y ituturing na matuwid ang tao sa pamamagitan ng pagsunod niya dito. 22 Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, upang ang pangako ay makamtan ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo.

Lucas 1:67-80

Ang Propesiya ni Zacarias

67 Napuspos ng Banal na Espiritu si Zacarias na ama ng bata, at nagpahayag ng propesiyang ito,

68 “Ang Diyos ng Israel dapat na papurihan,
    sapagkat kanyang dinalaw at tinubos ang kanyang bayan,
69 itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin
    mula sa sambahayan ni David na kanyang alipin,
70 gaya nang sinabi niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta mula noon pa man,
71 na tayo'y ililigtas niya mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin
72 upang ang habag sa ating mga ninuno ay ipakita
    at ang kanyang banal na tipan ay maalala,
73 ang pangakong ibinigay niya sa ating amang si Abraham,
74 na ipagkaloob sa atin, na tayong mga iniligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
ay maglingkod sa kanya nang walang takot,
75 sa kabanalan at katuwiran
    sa harapan niya sa lahat ng ating mga araw.
76 At (A) ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan,
    sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daan;
77 upang ipaalam ang kaligtasan sa kanyang bayan,
    sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan,
78 sa pamamagitan ng magiliw na habag ng ating Diyos,
sisilay[a] sa atin ang bukang-liwayway,
79     upang (B) bigyang-liwanag ang mga nakaupo sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
upang patnubayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”

80 Lumaki ang sanggol at lumakas sa espiritu. Nanirahan siya sa ilang hanggang sa araw na siya'y magpakita sa Israel.

Mateo 1:1-17

Talaan ng Lahing Pinagmulan ni Jesu-Cristo(A)

Ito ang talaan ng lahing pinagmulan ni Jesu-Cristo, ang anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, at si Isaac ang ama ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid nito, at si Juda ang ama nina Perez at Zera kay Tamar. Si Perez ang ama ni Hesron at si Hesron ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab ang ama ni Naason, at si Naason naman ang ama ni Salmon. Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, at si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed naman ang ama ni Jesse, at si Jesse naman ang ama ni Haring David. Si David ang ama ni Solomon sa asawa ni Urias, si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asaf. Si Asaf ang ama ni Jehoshafat, si Jehoshafat ang ama ni Joram, at si Joram ang ama ni Uzias. Si Uzias ang ama ni Jotham, si Jotham ang ama ni Ahaz, at si Ahaz ang ama ni Hezekias. 10 Si Hezekias ang ama ni Manases, si Manases ang ama ni Amos, at si Amos ang ama ni Josias. 11 Si Josias ang ama ni Jeconias at ng mga kapatid nito, noong sila'y dinalang-bihag sa Babilonia. 12 Pagkatapos ng pagkadalang-bihag sa Babilonia, si Jeconias ay naging ama ni Sealtiel at si Sealtiel naman ang ama ni Zerubabel. 13 Si Zerubabel ang ama ni Abiud, si Abiud ang ama ni Eliakim, at si Eliakim ang ama ni Azor. 14 Si Azor ang ama ni Zadok, si Zadok ang ama ni Akim, at si Akim ang ama ni Eliud. 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ang ama ni Matan, at si Matan ang ama ni Jacob. 16 Si Jacob ang ama ni Jose, na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. 17 Kaya't may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat na salinlahi mula kay David hanggang sa pagkadalang-bihag sa Babilonia, at labing-apat ding salinlahi mula sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.