Book of Common Prayer
Awit ni David.
103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 (B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 (D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 (G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7 Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8 Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 (J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Ang tubig na makapagpapagaling.
47 At ibinalik niya ako sa (A)pintuan ng bahay; at, narito, ang (B)tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan (sapagka't ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan); at ang tubig ay umaagos sa ilalim, mula sa dakong kanan ng bahay, sa timugan ng dambana.
2 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan (C)ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan (D)sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan.
3 Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may (E)pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong.
4 Muling sumukat siya ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang mga tuhod. Muli siyang sumukat ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang sa mga balakang.
5 Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo; at isang ilog na hindi ko naraanan; sapagka't ang tubig ay sumasampa, tubig upang languyan, ilog na hindi mararaanan.
6 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakita mo baga ito? Nang magkagayo'y dinala niya ako, at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog.
7 Nang ako nga'y makabalik, narito, sa pangpang ng ilog, ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako.
8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain, at bababa sa Araba; at huhugos sa (F)dagat; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas; at ang tubig ay mapagagaling.
9 At mangyayari, na bawa't likhang may buhay na dumadami, saan mang dako umaagos ang tubig, ay mabubuhay; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda; sapagka't ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling, at bawa't may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog.
10 At mangyayari, na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon: mula sa (G)En-gedi hanggang sa (H)En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon, gaya ng isda sa malaking dagat, na totoong marami.
11 Nguni't ang kaniyang mga dakong maburak, at ang mga lumbak niyaon, ay hindi mapapagaling; magiging asinan nga.
12 At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, (I)na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling.
1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa (A)pasimula ay (B)mga saksing nangakakakita at mga (C)ministro ng salita,
3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, (D)kagalanggalang na (E)Teofilo;
4 Upang mapagkilala mo ang katunayan (F)tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(A)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (B)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (C)sa lahat ng mga bansa.
3 (D)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (E)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (F)mangatatakot sa kaniya.
Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.
96 (A)Oh magsiawit kayo (B)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(C)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(D)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7 Magbigay kayo sa Panginoon, (E)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(F)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (G)looban.
9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 (H)Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
(I)Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
1 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh (A)Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,
2 Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, (B)pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, (C)sa mga apostol na kaniyang hinirang;
3 Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, (D)pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:
4 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila (E)na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin (F)ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:
5 Sapagka't tunay na si Juan ay (G)nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y (H)babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (I)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7 At sinabi niya sa kanila, (J)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (K)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (L)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978