Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 131-135

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong (E)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (F)Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
(G)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
(H)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, (I)narinig namin (J)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
(K)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
(L)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (M)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(N)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (O)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (P)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (Q)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (R)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (S)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang (T)mahalagang langis (U)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa (V)Hermon,
Na tumutulo sa mga (W)bundok ng Sion:
Sapagka't (X)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.

134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(Y)Ninyong (Z)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
(AA)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
(AB)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.

135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(AC)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (AD)mga looban ng bahay ng ating Dios.
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (AE)sapagka't maligaya.
Sapagka't pinili ng (AF)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (AG)kayamanan.
Sapagka't nalalaman ko (AH)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (AI)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
(AJ)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (AK)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (AL)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (AM)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (AN)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (AO)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (AP)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (AQ)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(AR)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Samuel 13:5-18

Si Saul sa Gilgal.

At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel, tatlong pung libong karo, at anim na libong mangangabayo, at ang bayan na (A)gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan: at sila'y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven.

Nang makita ng mga lalake ng Israel na sila'y nasa kagipitan, (sapagka't ang bayan ay (B)napipighati) ang bayan nga ay (C)nagkubli sa mga yungib, at sa mga tinikan, at sa mga bato, at sa mga katibayan, at sa mga hukay.

Ang iba nga sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan na patungo sa lupain ng Gad, at ng Galaad; nguni't si Saul ay nasa Gilgal siya, at ang buong bayan ay sumunod sa kaniya na nanginginig.

(D)At siya'y naghintay ng pitong araw, ayon sa takdang panahon na itinakda ni Samuel: nguni't si Samuel ay hindi naparoon sa Gilgal; at ang bayan ay nangangalat sa kaniya.

At sinabi ni Saul, Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin, at ang handog tungkol sa kapayapaan. At kaniyang inihandog ang handog na susunugin.

10 At nangyari, na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin, narito, si Samuel ay dumating; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya.

Maling paghahandog ni Saul.

11 At sinabi ni Samuel, Ano ang iyong ginawa? At sinabi ni Saul, Sapagka't aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin, at hindi ka dumarating sa mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas;

12 Kaya aking sinabi, Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa naipamamanhik ang kagalingan sa Panginoon: ako'y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin.

13 At sinabi ni Samuel kay Saul, Gumawa kang (E)may kamangmangan; (F)hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo: sapagka't itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.

14 (G)Nguni't ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian: ang Panginoo'y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso, at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan, sapagka't hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo.

15 At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa (H)Gabaa ng Benjamin. At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya, (I)na may anim na raang lalake.

16 At si Saul, at si Jonathan na kaniyang anak, at ang bayan na nakaharap sa kanila, ay tumigil sa Geba ng Benjamin: nguni't ang mga Filisteo ay humantong sa Michmas.

17 At ang mga mananamsam ay (J)lumabas na tatlong pulutong sa kampamento ng mga Filisteo; ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa (K)Ophra, na patungo sa lupain ng Sual:

18 At ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa (L)Beth-horon at ang isang pulutong ay lumiko sa daan ng hangganan na humaharap na palusong sa libis ng (M)Seboim sa dakong ilang.

Mga Gawa 8:26-40

26 Datapuwa't nagsalita kay (A)Felipe (B)ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.

27 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at (C)siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;

28 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias.

29 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.

30 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo?

31 At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.

32 Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito,

(D)Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan;
At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya,
Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig:
33 Sa kaniyang pagpapakababa'y inalis ang kaniyang paghuhukom.
Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi?
Sapagka't inalis sa lupa ang kaniyang buhay.

34 At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba?

35 At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, (E)at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus.

36 At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?[a](F)

38 At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.

39 At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.

40 Nguni't nasumpungan si Felipe sa Azoto: at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan, hanggang sa dumating siya sa (G)Cesarea.

Lucas 23:13-25

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](A)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (B)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (C)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978