Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 106 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Ezekiel 33:1-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 1

Ang Salita ng Buhay

Ipinaaalam namin sa inyo ang tungkol sa kanya na naroon na buhat pa sa simula—tungkol sa Salita ng buhay na aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming napagmasdan at nahawakan ng aming mga kamay. Nahayag ang buhay na ito, nakita namin at pinapatotohanan. Ipinaaalam namin sa inyo ang nahayag sa amin—ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama. Ang aming nakita at narinig ang ipinapahayag namin sa inyo, upang magkaroon din kayo ng pakikipagkaisa sa amin. Ang pakikipagkaisa nating ito ay sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Isinusulat namin ang mga ito upang maging lubos ang aming[a] kagalakan.

Ang Diyos ay Liwanag

Ang Diyos ay liwanag at sa kanya'y walang anumang kadiliman. Ito ang mensahe na narinig namin mula sa kanyang Anak na siya naman naming ipinahahayag sa inyo. Kung sinasabi nating may pakikipagkaisa tayo sa kanya, subalit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi isinasagawa ang katotohanan. Ngunit kung tayo'y namumuhay sa liwanag tulad niya na nasa liwanag, may pakikipagkaisa tayo sa isa't isa; ang dugo ng kanyang Anak na si Jesus ang naglilinis sa atin sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatarungan na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin mula sa lahat ng kasamaan. 10 Kung sinasabi natin na tayo'y hindi nagkasala, ginagawa natin siyang sinungaling, at ang kanyang salita ay wala sa atin.

Mateo 9:27-34

Pinagaling ang Dalawang Bulag

27 Habang nililisan ni Jesus ang dakong iyon, may dalawang lalaking bulag na sumunod sa kanya at sumisigaw nang malakas, “Maawa ka sa amin, Anak ni David.” 28 Pagpasok niya sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag, at sinabi ni Jesus sa kanila, “Naniniwala ba kayong kaya kong gawin ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.” 29 Hinawakan niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari sa inyo ang inyong pinaniniwalaan.” 30 At sila'y nakakita. Mahigpit na nagbilin sa kanila si Jesus, “Tiyakin ninyong walang ibang makaaalam nito.” 31 Subalit pag-alis nila ay ipinamalita nila ang tungkol sa kanya sa buong lupaing iyon.

Pinagaling ang Lalaking Pipi

32 Nang paalis na sina Jesus, dinala sa kanya ang isang taong pipi dahil ito'y sinasaniban ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo, at ang pipi ay nakapagsalita. Namangha ang napakaraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.” 34 Subalit sinabi ng mga Fariseo, “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo ay nagpapalayas siya ng mga demonyo.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.