Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta, at nakita ko ang isang bituing nahulog sa lupa mula sa langit. Ibinigay sa bituin ang susi ng hukay ng walang hangganang kalaliman. Binuksan (A) niya ang hukay ng kalaliman, at mula roon lumabas ang usok na parang usok ng isang malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. At (B) mula sa usok ay lumabas sa lupa ang mga balang, at binigyan sila ng kapangyarihan gaya ng sa mga alakdan ng lupa.

Read full chapter