Add parallel Print Page Options

11 At pagkatapos isa pang halimaw ang nakita kong umaahon mula sa lupa. Mayroon itong dalawang sungay tulad ng sa kordero ngunit nagsasalita itong parang dragon. 12 Ginagamit nito ang lahat ng kapangyarihan ng halimaw na nauna sa kanya, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang halimaw, siya na may malubhang sugat na gumaling. 13 Gumagawa ito ng mga kamangha-manghang tanda, ginagawa nitong magpababa ng apoy sa lupa mula sa langit sa paningin ng mga tao. 14 Sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulot na gawin niya sa harapan ng unang halimaw, nililinlang niya ang mga nakatira sa lupa, sinasabihan silang gumawa ng isang larawan ng halimaw na nasugatan ng tabak subalit nabuhay. 15 Pinayagan itong magbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ay makapagsalita at maipapatay ang mga ayaw sumamba sa larawan nito. 16 Pinatatakan nito ang kanang kamay o noo ng lahat—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at mga alipin, 17 upang walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito.

Read full chapter