Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo(A)

23 Pagkatapos nito ay nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kanyang mga alagad. Wika niya, “Nakaupo sa upuan ni Moises ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Fariseo. Kaya't inyong isagawa at sundin ang lahat ng mga sinasabi nila sa inyo, ngunit huwag ninyong gawin ang kanilang mga ginagawa, sapagkat iba ang kanilang ginagawa sa kanilang sinasabi.

Read full chapter