Add parallel Print Page Options

Ang Mayamang Lalaki(A)

18 Tinanong siya ng isang pinuno, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” 19 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti maliban sa Diyos. 20 Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang mangalunya. Huwag kang pumatay. Huwag kang magnakaw. Huwag kang magsinungaling sa iyong patotoo. Igalang mo ang iyong ama at ina.’ ” 21 At sinabi ng lalaki, “Tinupad ko na ang lahat ng ito mula pa sa pagkabata.” 22 Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi sa kanya, “Isa pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka at sumunod sa akin.” 23 Labis na nalungkot ang lalaki sa narinig, sapagkat siya ay napakayaman.

Read full chapter