Add parallel Print Page Options

Ang Pagtutuli at ang Pagdiriwang ng Paskwa sa Gilgal

Nabalitaan ng mga haring Amoreo na nasa kanluran ng Jordan at ng mga haring Cananeo na nasa baybayin ng Dagat Mediteraneo na pinatuyo ni Yahweh ang Ilog Jordan nang tumawid ang bayang Israel. Dahil dito'y natakot silang lahat, at nasiraan sila ng loob sa pagdating ng mga Israelita.

Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Kumuha ka ng batong matalim, gawin mong panghiwa, at tuliin mo ang mga kalalakihan ng Israel.” Gayon nga ang ginawa ni Josue, tinuli niya ang mga lalaki sa isang lugar na tinatawag na Burol ng Pagtutuli. Ginawa niya ito sapagkat namatay na ang lahat ng mga lalaking may sapat na gulang upang makipagdigma sa panahon ng paglalakbay noong sila'y umalis sa Egipto. Ang mga iyon ay pawang tuli na, ngunit ang mga isinilang sa panahon ng paglalakbay sa ilang ay hindi pa. Apatnapung(A) taon nang naglakbay sa ilang ang bayang Israel hanggang sa namatay lahat ang mga lalaking may sapat na gulang upang makipagdigma nang sila'y umalis sa Egipto. Sinuway nila si Yahweh, kaya sinabi niya sa kanila na hindi nila makikita ang mayaman at masaganang lupain na ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Ang kanilang mga anak na lalaki na humalili sa kanila ang tinuli ni Josue, sapagkat ang mga ito'y hindi tinuli nang panahon ng paglalakbay.

Matapos tuliin ang lahat ng kalalakihan, nanatili sa kampo ang buong bayan hanggang sa gumaling ang mga sugat. At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.” Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal[a] magpahanggang ngayon.

10 Samantalang(B) ang mga Israelita ay nasa Gilgal sa kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Paskwa noong kinagabihan ng ikalabing apat na araw ng unang buwan. 11 Kinaumagahan, araw pa rin ng Paskwa, kumain sila ng mga pagkaing inani nila sa lupaing iyon: sinangag na trigo at tinapay na walang pampaalsa. 12 Hindi(C) na muling umulan pa ng manna nang makakain na sila ng mga inani nila sa lupain ng Canaan. Kaya't mula nang taóng iyon, pagkaing inaani na sa Canaan ang kanilang kinakain.

Si Josue at ang Pinuno ng Hukbo ni Yahweh

13 Minsa'y napadako si Josue malapit sa Jerico, nang biglang nagpakita sa kanya ang isang lalaking may hawak na tabak. Nilapitan ito ni Josue at tinanong, “Ikaw ba'y isang kakampi, o isang kaaway?”

14 “Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.”

Nagpatirapa si Josue at sumamba. Sinabi niya, “Ano po ang ipinag-uutos ni Yahweh sa kanyang alipin?”

15 Sumagot ang pinuno ng hukbo ni Yahweh, “Alisin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat lupang banal ang iyong tinutuntungan.” At ginawa nga ni Josue ang iniutos sa kanya.

Ang Pagbagsak ng Jerico

Isinara ang mga pintuan ng Jerico upang huwag makapasok ang mga Israelita. Ipinagbawal na lumabas o pumasok ang sinuman. Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Pakinggan mo ito! Ibinigay ko na sa iyong mga kamay ang Jerico, upang sakupin ito at gapiin ang kanyang hari at magigiting na kawal. Ikaw at ang iyong mga kawal ay liligid sa palibot ng Jerico minsan isang araw sa loob ng anim na araw. Pauunahin mo sa Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang mga trumpeta na yari sa sungay. Sa ikapitong araw, pitong beses kayong liligid sa lunsod, at hihipan ng mga pari ang dala nilang trumpeta. Pagkarinig ninyo ng isang malakas at mahabang tunog ng tambuli, lahat kayo'y ubod-lakas na sisigaw. Sa sandaling iyon, babagsak ang mga pader ng lunsod at walang sagabal na makakapasok doon ang lahat.”

Kaya't tinawag ni Josue ang mga pari ng Israel at sinabi sa kanila, “Dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan ni Yahweh; mauuna ang pitong paring may dalang mga trumpeta.” At sinabi naman niya sa mga taong-bayan, “Lumakad na kayo! Lumigid kayo sa lunsod, at paunahin ninyo sa Kaban ng Tipan ni Yahweh ang mga sandatahang lalaki.”

Tulad ng sinabi ni Josue, lumakad nga sa unahan ng Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang trumpeta, at habang lumalakad ay hinihipan nila ang mga ito.

Nauuna sa mga pari ang unang hanay ng mga kawal. Kasunod naman ng Kaban ng Tipan ang mga kawal na nasa panghuling hanay. Samantala, walang tigil ang tunog ng mga trumpeta. 10 Ngunit sinabi ni Josue sa mga tao, “Huwag kayong sisigaw, o magsasalita man, hanggang hindi ko kayo binibigyan ng hudyat.” 11 Sa utos nga ni Josue, iniligid nilang minsan sa lunsod ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Pagkatapos, bumalik sila sa kampo at doon sila nagpalipas ng gabi.

12 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue. Binuhat ng mga pari ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, 13 at muling nauna rito ang pitong pari na walang tigil sa pag-ihip ng dala nilang trumpeta. Muling pumuwesto sa unahan nila ang unang hanay ng mga kawal, samantalang ang mga panghuling hanay ay nasa likuran ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Patuloy ang pag-ihip sa mga trumpeta. 14 Nilibot nga nilang minsan ang lunsod noong ikalawang araw, at pagkatapos ay bumalik silang muli sa kampo. Ganito ang ginawa nila araw-araw sa loob ng anim na araw.

15 Nang ikapitong araw, bumangon sila nang magbukang-liwayway, at lumibot nang pitong beses sa lunsod. Noon lamang nila ito nilibot nang pitong beses. 16 Sa ikapitong libot, hinipan ng mga pari ang mga trumpeta at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw na kayo sapagkat ibinigay na sa inyo ni Yahweh ang lunsod! 17 Ang buong lunsod at ang anumang matatagpuan doon ay wawasakin bilang handog kay Yahweh. Si Rahab lamang at ang kanyang mga kasambahay ang ililigtas sapagkat itinago niya ang ating mga isinugo roon. 18 At huwag na huwag kayong kukuha ng anumang bagay na nakatakdang wasakin. Kapag kumuha kayo ng anuman, kayo ang magiging sanhi ng pagkapahamak ng buong Israel. 19 Ngunit ang lahat ng bagay na yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal ay nakalaan para kay Yahweh, at dapat ilagay sa kabang-yaman ni Yahweh.”

20 Kaya't(D) hinipan nga ng mga pari ang mga trumpeta at nagsigawan nang napakalakas ang mga tao nang marinig iyon. Bumagsak ang mga pader ng lunsod at sumalakay sila. Nakapasok sila nang walang sagabal at nasakop nila ang lunsod. 21 Pinatay nila ang lahat ng tao sa lunsod—lalaki't babae, matanda't bata—at pati ang mga asno, baka at tupa.

22 Sinabi ni Josue sa dalawang espiya na isinugo niya noon, “Pumunta kayo sa bahay ng babaing inyong tinuluyan. Ilabas ninyo siya at ang buo niyang angkan, ayon sa inyong pangako sa kanya.” 23 Pumunta nga sila at inilabas si Rahab, ang kanyang ama't ina, mga kapatid at mga alipin. Inilabas din nila pati ang kanyang mga kamag-anak at dinalang lahat sa kampo ng Israel. 24 Pagkatapos ay sinunog nila ang lunsod at tinupok ang lahat ng bagay na naroon, liban sa mga yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal. Ang mga ito'y inilagay nila sa kabang-yaman ni Yahweh. 25 Si(E) Rahab na isang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw ay iniligtas ni Josue, pati ang buong angkan nito, sapagkat itinago nito ang mga lalaking isinugo upang lihim na magmanman sa Jerico. Ang mga naging anak at sumunod na salinlahi ni Rahab ay nanirahan sa Israel hanggang sa araw na ito.

26 Noon(F) di'y pinanumpa ni Josue ang buong bayan sa pangalan ni Yahweh. Sinabi niya,

“Sumpain ang sinumang magtatayong muli ng lunsod na ito ng Jerico.
Mamamatay ang anak na panganay ng sinumang muling maglalagay ng mga saligan nito.
Mamamatay ang anak na bunso ng magbabangong muli ng kanyang mga pintuan.”

27 Pinatnubayan ni Yahweh si Josue, at naging tanyag ang kanyang pangalan sa lupaing iyon.

Ang Kasalanan ni Acan

Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha sa Jerico ng mga bagay na ipinawawasak ni Yahweh bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Karmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh.

Samantala, nagsugo si Josue ng ilang tao buhat sa Jerico upang lihim na magmanman sa lunsod ng Ai na nasa silangan ng Bethel at malapit sa Beth-aven. Pagbabalik nila'y sinabi nila kay Josue, “Hindi na po kailangang pumaroon ang lahat. Magpadala lamang kayo ng mga dalawang libo hanggang tatlong libong mandirigma upang sumalakay sa lunsod ng Ai. Huwag na ninyong pagurin ang lahat, sapagkat maliit lang ang lunsod na iyon.” Kaya't tatlong libong Israelita lang ang sumalakay sa Ai, ngunit sila'y naitaboy ng mga tagaroon. Hinabol sila buhat sa pintuan ng lunsod hanggang sa tibagan ng bato. Tatlumpu't anim ang napatay sa kanila nang sila'y umatras pababa sa bundok, kaya't natakot sila at nasiraan ng loob.

Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang kanilang kasuotan dahil sa matinding paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din sila ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan hanggang sa paglubog ng araw. At sinabi ni Josue, “Panginoong Yahweh, bakit pa ninyo kami pinatawid ng Ilog Jordan kung ipalilipol din lamang sa mga Amoreo? Mabuti pa'y nanatili na kami sa kabila ng Jordan! Anong sasabihin ko, Panginoon, ngayong umatras sa labanan ang bayang Israel? Mababalitaan ito ng mga Cananeo at ng iba pang naninirahan sa lupaing ito. Pagtutulung-tulungan nila kaming lipulin sa balat ng lupa. Wala po ba kayong gagawin upang ipagtanggol ang inyong dakilang pangalan?”

10 Sumagot si Yahweh, “Tumayo ka! Bakit ka nagpapatirapa nang ganyan? 11 Nagkasala ang bayang Israel! Sumira sila sa kasunduang ibinigay ko sa kanila sapagkat kumuha sila ng mga bagay na nakatakdang wasakin. Ninakaw nila ang mga iyon, itinago at isinama sa kanilang mga ari-arian. 12 Iyan ang dahilan kaya sila natalo ng kanilang kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipulin. Hindi ko na kayo tutulungan hanggang hindi ninyo isinusuko ang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. 13 Tumayo ka at sabihin mo sa bayan na maghanda sila bukas sa pagharap sa akin, sapagkat akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay ganito ang sasabihin: ‘Ikaw rin, Israel, ay dapat wasakin sapagkat may nagtatago sa inyo ng mga bagay na ipinag-utos kong wasakin. Hindi kayo makakaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi naaalis sa inyo ang mga bagay na iyan! 14 Kaya bukas ng umaga, haharap kayo sa akin ayon sa inyu-inyong lipi. Ang liping mapili ko ay hahanay ayon sa kani-kanilang angkan. Ang angkan naman na mapili ko ay hahanay rin ayon sa kani-kanilang sambahayan. At ang sambahayang mapili ko ay hahanay na isa-isa. 15 Ang kakitaan ng mga bagay na ipinag-utos kong wasakin ay siyang ihahagis sa apoy, kasama ang kanyang sambahayan at mga ari-arian, sapagkat hindi niya iginalang ang kasunduang ibinigay ko sa kanila at nagdulot siya ng napakalaking kahihiyan sa buong Israel.’”

16 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue at pinahanay ang buong Israel ayon sa kani-kanilang lipi, at napili ang lipi ni Juda. 17 Tinawag ang lipi ni Juda at napili ang angkan ni Zera. Tinawag ang angkan ni Zera at napili ang sambahayan ni Zabdi. 18 Tinawag ang sambahayan ni Zabdi at napili si Acan, na anak ni Karmi at apo ni Zabdi, na anak ni Zera. 19 Kaya't sinabi ni Josue kay Acan, “Anak, nasa harapan ka ni Yahweh, ang Diyos ng Israel! Igalang mo ang kanyang pangalan. Magsabi ka ng totoo. Huwag kang magkakaila ng anuman! Ano ang ginawa mo?”

20 Sumagot si Acan, “Totoo pong nagkasala ako kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 21 Sa mga bagay na nasamsam ko sa Jerico, may nakita akong isang mamahaling balabal na yari sa Babilonia, halos walong librang pilak, at isang baretang ginto na mahigit pang dalawang libra. Kinuha ko ang mga iyon at ibinaon sa lupa, sa loob ng aking tolda. Nasa kailaliman po ang pilak.”

22 Nagsugo si Josue ng dalawang tao na patakbong pumunta sa tolda ni Acan. Nakabaon nga roon ang damit at nasa ilalim nito ang pilak. 23 Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh. 24 Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian. 25 At sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ipinahamak? Ikaw naman ngayon ang ipapahamak ni Yahweh.” At pinagbabato ng buong bayan si Acan at ang buo niyang sambahayan hanggang mamatay. Sinunog silang lahat kasama ng kanilang ari-arian. 26 Pagkatapos, tinabunan nila ng mga bato. Naroon pa hanggang ngayon ang mga batong iyon.

Nawala ang galit ni Yahweh. Mula noon, ang pook na iyo'y tinawag na Libis ng Kaguluhan.

Ang Plano Laban sa Lunsod ng Ai

At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob. Tipunin mo ang lahat mong mga kawal at salakayin ninyo ang lunsod ng Ai. Ibibigay ko sa inyo ang hari ng Ai, ang kanyang mga tauhan, lunsod at mga lupain. Gagawin ninyo sa Ai ang ginawa ninyo sa Jerico. Ngunit maaari ninyong kunin ang kanilang mga alagang hayop at mga ari-arian. Maghanda kayo at salakayin ninyo ang lunsod buhat sa likuran.”

Inihanda nga ni Josue ang lahat niyang kawal upang salakayin ang Ai. Pumili siya ng tatlumpung libong magigiting na kawal, at kinagabiha'y pinalabas ng kampo. Ganito ang tagubilin niya sa kanila: “Magtago kayo sa dakong likuran ng lunsod, sa di kalayuan, at humanda kayong sumalakay sa anumang oras. Kami ng mga kasama ko ay sasalakay sa harapan. Kapag hinabol kami ng mga taga-lunsod, aatras kami gaya ng ginawa natin noong nakaraan. Aakalain nilang natakot kami tulad noong una, kaya hahabulin nila kami hanggang sa sila'y mapalayo sa lunsod. Lalabas naman kayo sa inyong pinagtataguan at papasukin ninyo ang lunsod. Ito'y ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Kapag nasakop na ninyo ang lunsod, sunugin ninyo ito, gaya ng sinabi ni Yahweh. Tandaan ninyo ang mga tagubilin kong ito.” Pinalabas nga sila ni Josue, at sila'y nagtago sa dakong likuran ng Ai—sa pagitan nito at ng Bethel. Samantala, nanatili si Josue sa kampo kasama ng ibang tauhan ng Israel.

Ang Pagsakop sa Lunsod ng Ai

10 Kinabukasan, maaga pa'y bumangon na si Josue at tinipon ang buong hukbo. Siya at ang mga pinuno ng Israel ang nanguna patungo sa Ai. 11 Pumunta sila sa gawing bukana ng lunsod at nagtayo ng kampo sa harap niyon, sa gawing hilaga. Isang libis ang nasa pagitan nila at ng lunsod ng Ai. 12 Nagbukod si Josue ng limanlibong mandirigma na pinakubli niya sa kanluran ng lunsod—sa pagitan nito at ng Bethel. 13 Ganito ang hanay ng mga kawal sa simula ng labanan: ang pinakamalaking bahagi ay sa harapan sa dakong hilaga ng lunsod at ang mga nakakubling mandirigma, sa gawing kanluran naman. Sa libis na iyon nagpalipas ng gabi si Josue. 14 Hindi nag-aksaya ng panahon ang hari at ang mga taga-Ai nang makita ang pangkat ni Josue. Lumabas sila ng lunsod at nilusob ang hukbo ng Israel sa Kapatagan ng Jordan, sa dating pinaglabanan nila. Wala silang malay na may sasalakay sa kanilang likuran. 15 Si Josue naman at ang mga kasama niya'y nagkunwaring natatalo at umatras patungo sa ilang. 16 Kaya't hinabol sila ng lahat ng kalalakihan ng Ai hanggang sa mapalayo sila sa lunsod. 17 Lahat ng lalaki sa Ai at sa Bethel ay sumama sa paghabol sa mga Israelita at naiwang walang bantay ang lunsod.

18 Noon sinabi ni Yahweh kay Josue, “Ituro mo sa Ai ang iyong sibat. Ito'y ibinibigay ko sa inyo ngayon.” Ganoon nga ang ginawa ni Josue. 19 Pagkataas ng kanyang kamay, naglabasan ang mga tauhan niya sa kanilang pinagtataguan. Pinasok nila ang lunsod at sinunog iyon. 20 Nang lumingon ang mga taga-Ai, nakita nilang abot sa langit ang usok na nagmumula sa lunsod. Hindi naman sila makasulong o makaurong; bigla silang hinarap ng mga Israelitang hinahabol nilang patungo sa ilang. 21 Sapagkat nang makita ni Josue at ng mga Israelita na ang mga kasama nilang nakakubli'y pumasok na sa lunsod at ito'y nasusunog na, bumalik sila at pinagpapatay ang mga taga-Ai. 22 Dumagsa rin buhat sa lunsod ang mga Israelitang pumasok doon, kaya't ganap na napalibutan ang mga taga-Ai. Namatay silang lahat, at walang nakaligtas o nakatakas ni isa man. 23 Ang hari lang ang binihag nilang buháy at dinala kay Josue.

24 Napatay nga ng mga Israelita ang lahat ng humabol sa kanila. Pagkatapos, bumalik sila sa lunsod at nilipol din ang lahat ng naiwan doon. 25 Nang araw na iyon ay pinuksa nila ang lahat ng tao sa Ai, at may labindalawang libo ang namatay. 26 Patuloy na itinuro ni Josue sa Ai ang kanyang sibat hanggang sa mapatay ang lahat ng tagaroon. 27 Walang kinuha ang mga Israelita mula sa lunsod kundi ang mga baka at mga ari-arian, ayon sa sinabi ni Yahweh kay Josue. 28 Sinunog ni Josue ang Ai at iniwang wasak tulad ng makikita hanggang sa ngayon. 29 Ipinabitay niya ang hari sa isang punongkahoy, at pinabayaan doon ang bangkay hanggang sumapit ang dilim. Paglubog ng araw, ipinababa niya ang bangkay at ipinatapon sa may pintuan ng lunsod. Pinatabunan niya iyon ng malalaking bato na makikita pa roon magpahanggang ngayon.

Binasa ang Kautusan sa Bundok ng Ebal

30 Nagtayo(G) si Josue ng isang altar sa Bundok ng Ebal para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 31 Mga(H) batong hindi tinapyas ng paet ang ginamit niya sa altar ayon sa bilin ni Moises at nasasaad sa Kautusan. Sa ibabaw ng altar na iyon ay nag-alay sila kay Yahweh ng mga handog na sinusunog at mga handog na pinagsasaluhan. 32 Sa lugar na iyon, sa harapan ng buong Israel, iniukit ni Josue sa mga bato ng altar ang kopya ng Kautusang isinulat ni Moises. 33 Lahat(I) ng Israelita, kasama ang mga matatanda, ang mga pinuno, at ang mga hukom, at pati ang mga dayuhang kasama nila, ay tumayo sa magkabilang panig ng Kaban ng Tipan ni Yahweh, paharap sa mga paring Levita na may dala niyon. Ang kalahati ng bayan ay tumayo sa tapat ng Bundok ng Gerizim, at ang kalahati'y sa tapat ng Bundok ng Ebal. Ganito ang utos ni Moises na gagawin nila pagsapit ng panahong tatanggapin na nila ang pagbabasbas. 34 Sa sandaling iyo'y binasa ni Josue ang Kautusan, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, ayon sa nasusulat sa aklat ng Kautusan. 35 Isa-isang binasa ni Josue ang mga Kautusan sa lahat ng taong naroon, pati sa mga babae at mga bata, at sa mga dayuhang kasama nila.

Footnotes

  1. Josue 5:9 GILGAL: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gilgal” at “inalis” ay magkasintunog.

Now when all the Amorite kings west of the Jordan and all the Canaanite kings along the coast(A) heard how the Lord had dried up the Jordan before the Israelites until they[a] had crossed over, their hearts melted in fear(B) and they no longer had the courage to face the Israelites.

Circumcision and Passover at Gilgal

At that time the Lord said to Joshua, “Make flint knives(C) and circumcise(D) the Israelites again.” So Joshua made flint knives and circumcised the Israelites at Gibeath Haaraloth.[b]

Now this is why he did so: All those who came out of Egypt—all the men of military age(E)—died in the wilderness on the way after leaving Egypt.(F) All the people that came out had been circumcised, but all the people born in the wilderness during the journey from Egypt had not. The Israelites had moved about in the wilderness(G) forty years(H) until all the men who were of military age when they left Egypt had died, since they had not obeyed the Lord. For the Lord had sworn to them that they would not see the land he had solemnly promised their ancestors to give us,(I) a land flowing with milk and honey.(J) So he raised up their sons in their place, and these were the ones Joshua circumcised. They were still uncircumcised because they had not been circumcised on the way. And after the whole nation had been circumcised, they remained where they were in camp until they were healed.(K)

Then the Lord said to Joshua, “Today I have rolled away the reproach of Egypt from you.” So the place has been called Gilgal[c](L) to this day.

10 On the evening of the fourteenth day of the month,(M) while camped at Gilgal on the plains of Jericho, the Israelites celebrated the Passover.(N) 11 The day after the Passover, that very day, they ate some of the produce of the land:(O) unleavened bread(P) and roasted grain.(Q) 12 The manna stopped the day after[d] they ate this food from the land; there was no longer any manna for the Israelites, but that year they ate the produce of Canaan.(R)

The Fall of Jericho

13 Now when Joshua was near Jericho, he looked up and saw a man(S) standing in front of him with a drawn sword(T) in his hand. Joshua went up to him and asked, “Are you for us or for our enemies?”

14 “Neither,” he replied, “but as commander of the army of the Lord I have now come.” Then Joshua fell facedown(U) to the ground(V) in reverence, and asked him, “What message does my Lord[e] have for his servant?”

15 The commander of the Lord’s army replied, “Take off your sandals, for the place where you are standing is holy.”(W) And Joshua did so.

Now the gates of Jericho(X) were securely barred because of the Israelites. No one went out and no one came in.

Then the Lord said to Joshua, “See, I have delivered(Y) Jericho into your hands, along with its king and its fighting men. March around the city once with all the armed men. Do this for six days. Have seven priests carry trumpets of rams’ horns(Z) in front of the ark. On the seventh day, march around the city seven times, with the priests blowing the trumpets.(AA) When you hear them sound a long blast(AB) on the trumpets, have the whole army give a loud shout;(AC) then the wall of the city will collapse and the army will go up, everyone straight in.”

So Joshua son of Nun called the priests and said to them, “Take up the ark of the covenant of the Lord and have seven priests carry trumpets in front of it.”(AD) And he ordered the army, “Advance(AE)! March around the city, with an armed guard going ahead of the ark(AF) of the Lord.”

When Joshua had spoken to the people, the seven priests carrying the seven trumpets before the Lord went forward, blowing their trumpets, and the ark of the Lord’s covenant followed them. The armed guard marched ahead of the priests who blew the trumpets, and the rear guard(AG) followed the ark. All this time the trumpets were sounding. 10 But Joshua had commanded the army, “Do not give a war cry, do not raise your voices, do not say a word until the day I tell you to shout. Then shout!(AH) 11 So he had the ark of the Lord carried around the city, circling it once. Then the army returned to camp and spent the night there.

12 Joshua got up early the next morning and the priests took up the ark of the Lord. 13 The seven priests carrying the seven trumpets went forward, marching before the ark of the Lord and blowing the trumpets. The armed men went ahead of them and the rear guard followed the ark of the Lord, while the trumpets kept sounding. 14 So on the second day they marched around the city once and returned to the camp. They did this for six days.

15 On the seventh day, they got up at daybreak and marched around the city seven times in the same manner, except that on that day they circled the city seven times.(AI) 16 The seventh time around, when the priests sounded the trumpet blast, Joshua commanded the army, “Shout! For the Lord has given you the city!(AJ) 17 The city and all that is in it are to be devoted[f](AK) to the Lord. Only Rahab the prostitute(AL) and all who are with her in her house shall be spared, because she hid(AM) the spies we sent. 18 But keep away from the devoted things,(AN) so that you will not bring about your own destruction by taking any of them. Otherwise you will make the camp of Israel liable to destruction(AO) and bring trouble(AP) on it. 19 All the silver and gold and the articles of bronze and iron(AQ) are sacred to the Lord and must go into his treasury.”

20 When the trumpets sounded,(AR) the army shouted, and at the sound of the trumpet, when the men gave a loud shout,(AS) the wall collapsed; so everyone charged straight in, and they took the city.(AT) 21 They devoted(AU) the city to the Lord and destroyed(AV) with the sword every living thing in it—men and women, young and old, cattle, sheep and donkeys.

22 Joshua said to the two men(AW) who had spied out(AX) the land, “Go into the prostitute’s house and bring her out and all who belong to her, in accordance with your oath to her.(AY) 23 So the young men who had done the spying went in and brought out Rahab, her father and mother, her brothers and sisters and all who belonged to her.(AZ) They brought out her entire family and put them in a place outside the camp of Israel.

24 Then they burned the whole city(BA) and everything in it, but they put the silver and gold and the articles of bronze and iron(BB) into the treasury of the Lord’s house.(BC) 25 But Joshua spared(BD) Rahab the prostitute,(BE) with her family and all who belonged to her, because she hid the men Joshua had sent as spies to Jericho(BF)—and she lives among the Israelites to this day.

26 At that time Joshua pronounced this solemn oath:(BG) “Cursed(BH) before the Lord is the one who undertakes to rebuild this city, Jericho:

“At the cost of his firstborn son
    he will lay its foundations;
at the cost of his youngest
    he will set up its gates.”(BI)

27 So the Lord was with Joshua,(BJ) and his fame spread(BK) throughout the land.

Achan’s Sin

But the Israelites were unfaithful in regard to the devoted things[g];(BL) Achan(BM) son of Karmi, the son of Zimri,[h] the son of Zerah,(BN) of the tribe of Judah,(BO) took some of them. So the Lord’s anger burned(BP) against Israel.(BQ)

Now Joshua sent men from Jericho to Ai,(BR) which is near Beth Aven(BS) to the east of Bethel,(BT) and told them, “Go up and spy out(BU) the region.” So the men went up and spied out Ai.

When they returned to Joshua, they said, “Not all the army will have to go up against Ai. Send two or three thousand men to take it and do not weary the whole army, for only a few people live there.” So about three thousand went up; but they were routed by the men of Ai,(BV) who killed about thirty-six(BW) of them. They chased the Israelites from the city gate as far as the stone quarries and struck them down on the slopes. At this the hearts of the people melted in fear(BX) and became like water.

Then Joshua tore his clothes(BY) and fell facedown(BZ) to the ground before the ark of the Lord, remaining there till evening.(CA) The elders of Israel(CB) did the same, and sprinkled dust(CC) on their heads. And Joshua said, “Alas, Sovereign Lord, why(CD) did you ever bring this people across the Jordan to deliver us into the hands of the Amorites to destroy us?(CE) If only we had been content to stay on the other side of the Jordan! Pardon your servant, Lord. What can I say, now that Israel has been routed by its enemies? The Canaanites and the other people of the country will hear about this and they will surround us and wipe out our name from the earth.(CF) What then will you do for your own great name?(CG)

10 The Lord said to Joshua, “Stand up! What are you doing down on your face? 11 Israel has sinned;(CH) they have violated my covenant,(CI) which I commanded them to keep. They have taken some of the devoted things; they have stolen, they have lied,(CJ) they have put them with their own possessions.(CK) 12 That is why the Israelites cannot stand against their enemies;(CL) they turn their backs(CM) and run(CN) because they have been made liable to destruction.(CO) I will not be with you anymore(CP) unless you destroy whatever among you is devoted to destruction.

13 “Go, consecrate the people. Tell them, ‘Consecrate yourselves(CQ) in preparation for tomorrow; for this is what the Lord, the God of Israel, says: There are devoted things among you, Israel. You cannot stand against your enemies until you remove them.

14 “‘In the morning, present(CR) yourselves tribe by tribe. The tribe the Lord chooses(CS) shall come forward clan by clan; the clan the Lord chooses shall come forward family by family; and the family the Lord chooses shall come forward man by man. 15 Whoever is caught with the devoted things(CT) shall be destroyed by fire,(CU) along with all that belongs to him.(CV) He has violated the covenant(CW) of the Lord and has done an outrageous thing in Israel!’”(CX)

16 Early the next morning Joshua had Israel come forward by tribes, and Judah was chosen. 17 The clans of Judah came forward, and the Zerahites were chosen.(CY) He had the clan of the Zerahites come forward by families, and Zimri was chosen. 18 Joshua had his family come forward man by man, and Achan son of Karmi, the son of Zimri, the son of Zerah, of the tribe of Judah,(CZ) was chosen.(DA)

19 Then Joshua said to Achan, “My son, give glory(DB) to the Lord, the God of Israel, and honor him. Tell(DC) me what you have done; do not hide it from me.”

20 Achan replied, “It is true! I have sinned against the Lord, the God of Israel. This is what I have done: 21 When I saw in the plunder(DD) a beautiful robe from Babylonia,[i] two hundred shekels[j] of silver and a bar of gold weighing fifty shekels,[k] I coveted(DE) them and took them. They are hidden in the ground inside my tent, with the silver underneath.”

22 So Joshua sent messengers, and they ran to the tent, and there it was, hidden in his tent, with the silver underneath. 23 They took the things from the tent, brought them to Joshua and all the Israelites and spread them out before the Lord.

24 Then Joshua, together with all Israel, took Achan son of Zerah, the silver, the robe, the gold bar, his sons(DF) and daughters, his cattle, donkeys and sheep, his tent and all that he had, to the Valley of Achor.(DG) 25 Joshua said, “Why have you brought this trouble(DH) on us? The Lord will bring trouble on you today.”

Then all Israel stoned him,(DI) and after they had stoned the rest, they burned them.(DJ) 26 Over Achan they heaped(DK) up a large pile of rocks, which remains to this day.(DL) Then the Lord turned from his fierce anger.(DM) Therefore that place has been called the Valley of Achor[l](DN) ever since.

Ai Destroyed

Then the Lord said to Joshua, “Do not be afraid;(DO) do not be discouraged.(DP) Take the whole army(DQ) with you, and go up and attack Ai.(DR) For I have delivered(DS) into your hands the king of Ai, his people, his city and his land. You shall do to Ai and its king as you did to Jericho and its king, except that you may carry off their plunder(DT) and livestock for yourselves.(DU) Set an ambush(DV) behind the city.”

So Joshua and the whole army moved out to attack Ai. He chose thirty thousand of his best fighting men and sent them out at night with these orders: “Listen carefully. You are to set an ambush behind the city. Don’t go very far from it. All of you be on the alert. I and all those with me will advance on the city, and when the men come out against us, as they did before, we will flee from them. They will pursue us until we have lured them away from the city, for they will say, ‘They are running away from us as they did before.’ So when we flee from them, you are to rise up from ambush and take the city. The Lord your God will give it into your hand.(DW) When you have taken the city, set it on fire.(DX) Do what the Lord has commanded.(DY) See to it; you have my orders.”

Then Joshua sent them off, and they went to the place of ambush(DZ) and lay in wait between Bethel and Ai, to the west of Ai—but Joshua spent that night with the people.

10 Early the next morning(EA) Joshua mustered his army, and he and the leaders of Israel(EB) marched before them to Ai. 11 The entire force that was with him marched up and approached the city and arrived in front of it. They set up camp north of Ai, with the valley between them and the city. 12 Joshua had taken about five thousand men and set them in ambush between Bethel and Ai, to the west of the city. 13 So the soldiers took up their positions—with the main camp to the north of the city and the ambush to the west of it. That night Joshua went into the valley.

14 When the king of Ai saw this, he and all the men of the city hurried out early in the morning to meet Israel in battle at a certain place overlooking the Arabah.(EC) But he did not know(ED) that an ambush had been set against him behind the city. 15 Joshua and all Israel let themselves be driven back(EE) before them, and they fled toward the wilderness.(EF) 16 All the men of Ai were called to pursue them, and they pursued Joshua and were lured away(EG) from the city. 17 Not a man remained in Ai or Bethel who did not go after Israel. They left the city open and went in pursuit of Israel.

18 Then the Lord said to Joshua, “Hold out toward Ai the javelin(EH) that is in your hand,(EI) for into your hand I will deliver the city.” So Joshua held out toward the city the javelin that was in his hand.(EJ) 19 As soon as he did this, the men in the ambush rose quickly(EK) from their position and rushed forward. They entered the city and captured it and quickly set it on fire.(EL)

20 The men of Ai looked back and saw the smoke of the city rising up into the sky,(EM) but they had no chance to escape in any direction; the Israelites who had been fleeing toward the wilderness had turned back against their pursuers. 21 For when Joshua and all Israel saw that the ambush had taken the city and that smoke was going up from it, they turned around(EN) and attacked the men of Ai. 22 Those in the ambush also came out of the city against them, so that they were caught in the middle, with Israelites on both sides. Israel cut them down, leaving them neither survivors nor fugitives.(EO) 23 But they took the king of Ai alive(EP) and brought him to Joshua.

24 When Israel had finished killing all the men of Ai in the fields and in the wilderness where they had chased them, and when every one of them had been put to the sword, all the Israelites returned to Ai and killed those who were in it. 25 Twelve thousand men and women fell that day—all the people of Ai.(EQ) 26 For Joshua did not draw back the hand that held out his javelin(ER) until he had destroyed[m](ES) all who lived in Ai.(ET) 27 But Israel did carry off for themselves the livestock and plunder of this city, as the Lord had instructed Joshua.(EU)

28 So Joshua burned(EV) Ai[n](EW) and made it a permanent heap of ruins,(EX) a desolate place to this day.(EY) 29 He impaled the body of the king of Ai on a pole and left it there until evening. At sunset,(EZ) Joshua ordered them to take the body from the pole and throw it down at the entrance of the city gate. And they raised a large pile of rocks(FA) over it, which remains to this day.

The Covenant Renewed at Mount Ebal

30 Then Joshua built on Mount Ebal(FB) an altar(FC) to the Lord, the God of Israel, 31 as Moses the servant of the Lord had commanded the Israelites. He built it according to what is written in the Book of the Law of Moses—an altar of uncut stones, on which no iron tool(FD) had been used. On it they offered to the Lord burnt offerings and sacrificed fellowship offerings.(FE) 32 There, in the presence of the Israelites, Joshua wrote on stones a copy of the law of Moses.(FF) 33 All the Israelites, with their elders, officials and judges, were standing on both sides of the ark of the covenant of the Lord, facing the Levitical(FG) priests who carried it. Both the foreigners living among them and the native-born(FH) were there. Half of the people stood in front of Mount Gerizim and half of them in front of Mount Ebal,(FI) as Moses the servant of the Lord had formerly commanded when he gave instructions to bless the people of Israel.

34 Afterward, Joshua read all the words of the law—the blessings and the curses—just as it is written in the Book of the Law.(FJ) 35 There was not a word of all that Moses had commanded that Joshua did not read to the whole assembly of Israel, including the women and children, and the foreigners who lived among them.(FK)

Footnotes

  1. Joshua 5:1 Another textual tradition we
  2. Joshua 5:3 Gibeath Haaraloth means the hill of foreskins.
  3. Joshua 5:9 Gilgal sounds like the Hebrew for roll.
  4. Joshua 5:12 Or the day
  5. Joshua 5:14 Or lord
  6. Joshua 6:17 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them; also in verses 18 and 21.
  7. Joshua 7:1 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them; also in verses 11, 12, 13 and 15.
  8. Joshua 7:1 See Septuagint and 1 Chron. 2:6; Hebrew Zabdi; also in verses 17 and 18.
  9. Joshua 7:21 Hebrew Shinar
  10. Joshua 7:21 That is, about 5 pounds or about 2.3 kilograms
  11. Joshua 7:21 That is, about 1 1/4 pounds or about 575 grams
  12. Joshua 7:26 Achor means trouble.
  13. Joshua 8:26 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
  14. Joshua 8:28 Ai means the ruin.