Add parallel Print Page Options

Ang Jerusalem at ang mga Bansa

14 Narito, isang araw darating para sa Panginoon, ang samsam na kinuha sa iyo ay paghahati-hatian sa gitna mo.

Sapagkat aking titipunin ang lahat ng bansa upang lumaban sa Jerusalem, at ang lunsod ay masasakop, ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay pagsasamantalahan. Ang kalahati ng lunsod ay bibihagin, ngunit ang nalabi sa bayan ay hindi aalisin sa lunsod.

Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon at makikipaglaban sa mga bansang iyon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng labanan.

Sa araw na iyon ay tatayo ang kanyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silangan; at ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa gitna niya, sa silangan hanggang sa kanluran, sa pamamagitan ng napakalawak na libis. Ang kalahati ng Bundok ay malilipat sa dakong hilaga, at ang kalahati ay sa dakong timog.

At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok sapagkat ang libis ng mga bundok ay aabot hanggang sa Azal. Kayo'y tatakas gaya noong kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga araw ni Uzias na hari ng Juda. Pagkatapos ang Panginoon kong Diyos ay darating, kasama ang lahat ng mga banal.

At mangyayari, sa araw na iyon ay hindi magkakaroon ng liwanag, ang mga nagniningning ay uunti.

At ito'y magiging isang araw na nalalaman ng Panginoon, hindi araw at hindi gabi; ngunit mangyayari na sa gabi ay magkakaroon ng liwanag.

Sa(A) araw na iyon ay aagos mula sa Jerusalem, ang buháy na tubig, kalahati niyon ay sa dagat sa dakong silangan, at kalahati niyon ay sa dagat sa dakong kanluran; iyon ay magpapatuloy sa tag-init at sa taglamig.

Ang Panginoon ay magiging Hari sa buong lupa; sa araw na iyon ang Panginoon ay magiging isa, at ang kanyang pangalan ay isa.

10 Ang buong lupain ay magiging kapatagan mula sa Geba hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Ngunit ang Jerusalem ay mananatiling mataas sa kanyang dako mula sa Pintuan ng Benjamin hanggang sa dako ng Unang Pintuan, hanggang sa Sulok na Pintuan, at mula sa Tore ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

11 Ito'y(B) titirhan sapagkat hindi na ito muling magkakaroon ng sumpa; ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.

12 Ito ang magiging salot na ibibigay ng Panginoon sa lahat ng mga bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay mabubulok habang sila'y nakatayo pa sa kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mabubulok sa kinalalagyan ng mga ito, at ang kanilang mga dila ay mabubulok sa kanilang mga bibig.

13 Sa araw na iyon ay darating sa kanila ang isang malaking pagkatakot sa Panginoon; at hahawak ang bawat isa sa kanila sa kamay ng kanyang kapwa, at ang kamay ng isa'y itataas laban sa kamay ng iba pa;

14 maging ang Juda ay makikipaglaban sa Jerusalem. Ang kayamanan ng lahat ng bansa sa palibot ay titipunin—ginto, pilak, at kasuotan na napakarami.

15 Isang salot na gaya ng salot na ito ang darating sa mga kabayo, mola, kamelyo, asno, at sa lahat ng hayop na naroroon sa mga kampong iyon.

16 Bawat(C) isa na nakaligtas mula sa lahat ng bansa na lumaban sa Jerusalem ay aahon taun-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga kubol.

17 Ang sinuman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.

18 Kung ang angkan ng Ehipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, ang ulan ay hindi babagsak sa kanila ngunit darating sa kanila ang salot na ipinalasap ng Panginoon sa mga bansang hindi aahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga kubol.

19 Ito ang magiging kaparusahan sa Ehipto at sa lahat ng bansa na hindi aahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga kubol.

20 Sa araw na iyon ay isusulat sa mga kampanilya ng mga kabayo, “Banal sa Panginoon.” Ang mga palayok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga mangkok sa harapan ng dambana;

21 at bawat palayok sa Jerusalem at sa Juda ay magiging banal sa Panginoon ng mga hukbo, upang lahat ng mag-aalay ay gamitin ang mga iyon sa paglalaga ng laman ng handog. Hindi na magkakaroon pa ng Cananeo[a] sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo sa araw na iyon.

Footnotes

  1. Zacarias 14:21 o Mangangalakal .

Ang Panginoon ay katulong ng Jerusalem sa pakikidigma laban sa kaaway.

14 Narito (A)ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.

Sapagka't (B)aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.

Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, (C)gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.

At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon (D)sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, (E)at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.

At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas (F)mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal (G)na kasama niya.

At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.

Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na (H)sa gabi ay magliliwanag.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula (I)sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.

Ang paghahari ng Panginoon sa sanglibutan.

At ang Panginoo'y magiging (J)Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

10 Ang buong lupain ay magiging (K)gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at (L)siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa (M)pintuang-bayan ng Benjamin hanggang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, (N)at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

11 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.

12 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.

13 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa (O)kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.

14 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.

15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.

16 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay (P)aahon (Q)taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin (R)ang mga kapistahan ng mga balag.

17 At mangyayari, (S)na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.

18 At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan (T)sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

19 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

20 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, (U)KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga (V)palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga (W)taza sa harap ng dambana.

21 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay (X)hindi na magkakaroon pa ng (Y)Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.

'Zacarias 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.