Add parallel Print Page Options

Sumagot si Tobit, “May paraan, anak; lumagda kami ni Gabael sa isang kasulatan, na may dalawang sipi at pagkatapos ay pinagtig-isahan namin iyon. Ang kanya ay kasama ng supot ng salapi. Dalawampung taon na ang nakalipas mula noon! Humanap ka agad ng isang taong mapagkakatiwalaan na makakasama mo. Babayaran natin siya pagbalik ninyo. Kailangang makuha mo ang salaping iyon kay Gabael.”

Humanap(A) nga si Tobias ng taong tapat at nakakaalam ng pagpunta sa Media. Paglabas niya'y nakita niya ang anghel na si Rafael na nakatayo sa kanyang harapan, ngunit hindi niya alam na ito'y anghel ng Diyos. Kaya't tinanong niya kung tagasaan ito. “Israelita ako,” sagot ni Rafael. “Malayo mo akong kamag-anak, at pumunta ako rito sa Nineve upang maghanap ng trabaho.”

“Alam po ba ninyo ang patungo sa Media?” tanong ni Tobias.

Read full chapter