Tito 3
Magandang Balita Biblia
Ang Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano
3 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.
8 Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang
at walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.
Pangwakas na Paalala
12 Papupuntahin(A) ko riyan si Artemas o si Tiquico. Pagdating nila diyan, pilitin mong makapunta sa Nicopolis. Doon ako magpapalipas ng taglamig. 13 Sikapin(B) mong mapadali ang paglalakbay ni Apolos at ng abogadong si Zenas. Tiyakin mong hindi sila magkukulang sa anumang pangangailangan. 14 Turuan mo ang ating mga kapatid sa pananampalataya na ilaan ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti upang makatulong sila sa mga nangangailangan, at maging kapaki-pakinabang.
15 Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa lahat ng kapatid sa pananampalataya na nagmamahal sa atin.
Nawa'y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Diyos.
提多书 3
Chinese Union Version Modern Punctuation (Simplified)
当顺服掌权者
3 你要提醒众人,叫他们顺服做官的、掌权的,遵他的命,预备行各样的善事。 2 不要毁谤,不要争竞,总要和平,向众人大显温柔。 3 我们从前也是无知、悖逆、受迷惑,服侍各样私欲和宴乐,常存恶毒[a]、嫉妒的心,是可恨的,又是彼此相恨。 4 但到了神我们救主的恩慈和他向人所施的慈爱显明的时候, 5 他便救了我们,并不是因我们自己所行的义,乃是照他的怜悯,借着重生的洗和圣灵的更新。 6 圣灵就是神借着耶稣基督——我们救主厚厚浇灌在我们身上的, 7 好叫我们因他的恩得称为义,可以凭着永生的盼望成为后嗣[b]。
信徒当做正经事业
8 这话是可信的。我也愿你把这些事切切实实地讲明,使那些已信神的人留心做正经事业[c]。这都是美事,并且于人有益。 9 要远避无知的辩论和家谱的空谈,以及纷争并因律法而起的争竞,因为这都是虚妄无益的。 10 分门结党的人,警戒过一两次,就要弃绝他。 11 因为知道这等人已经背道,犯了罪,自己明知不是,还是去做。
12 我打发亚提马或是推基古到你那里去的时候,你要赶紧往尼哥波立去见我,因为我已经定意在那里过冬。 13 你要赶紧给律师西纳和亚波罗送行,叫他们没有缺乏。 14 并且我们的人要学习正经事业[d],预备所需用的,免得不结果子。
15 同我在一处的人都问你安。请代问那些因有信心爱我们的人安。愿恩惠常与你们众人同在!
Tito 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Mabuting Pamumuhay
3 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan, maging masunurin, at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Turuan mo rin silang huwag manira ng kapwa, huwag makipag-away, maging mahinahon, at maging magalang sa lahat. 3 Tayo rin noong una ay mga hangal, mga suwail, naliligaw, at naging alipin ng sari-saring pagnanasa at layaw. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Kinapootan tayo ng iba at sila nama'y kinapootan natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag. Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paglilinis ng muling kapanganakan at pagbabagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu, 6 na masaganang ibinuhos ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas. 7 Nangyari ito upang tayo'y maging tagapagmana ayon sa pag-asa sa walang hanggang buhay, yamang tayo'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob. 8 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito kaya't nais kong bigyang-diin mo ito sa iyong pagtuturo sa mga mananampalataya sa Diyos upang italaga nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siya namang kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang-kabuluhang pagtatalo, ang mga talaan ng mga salinlahi, at ang mga pagtatalo't alitan tungkol sa Kautusan. Walang halaga at walang kabutihang maidudulot ang mga iyan. 10 Pagkatapos mong bigyan ng una at pangalawang babala, iwasan mo na ang sinumang lumilikha ng pagkakampi-kampi. 11 Alam mong ang ganyang uri ng tao ay marumi ang pag-iisip, masama at hayag sa kanilang ginagawa na sila'y hinatulan.
Mga Tagubilin at Basbas
12 Pagkasugo (A) ko riyan kay Artemas o kay Tiquico, sikapin mong puntahan ako sa Nicopolis sapagkat ipinasya kong doon magpalipas ng taglamig. 13 Gawin (B) mo ang iyong makakaya upang tulungan sa paglalakbay sina Apolos at si Zenas na dalubhasa sa batas. Tiyakin mong sapat ang kanilang mga dadalhin sa paglalakbay. 14 Dapat matutuhan ng ating mga kapatid na iukol ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti upang makatulong sila sa mga pangangailangan, at maging kapaki-pakinabang.
15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko rito. Batiin mo ang mga nagmamahal sa atin sa pananampalataya.
Sumainyong lahat ang biyaya ng Diyos.[a]
Footnotes
- Tito 3:15 Sa ibang manuskrito mayroong Amen.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Copyright © 2011 by Global Bible Initiative
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
