Add parallel Print Page Options

Ang Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano

Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin.

Read full chapter

Ang Mabuting Pamumuhay

Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan, maging masunurin, at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. Turuan mo rin silang huwag manira ng kapwa, huwag makipag-away, maging mahinahon, at maging magalang sa lahat. Tayo rin noong una ay mga hangal, mga suwail, naliligaw, at naging alipin ng sari-saring pagnanasa at layaw. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Kinapootan tayo ng iba at sila nama'y kinapootan natin.

Read full chapter