Tito 2:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na magpigil sa sarili. 7 Sa lahat ng bagay ay maging halimbawa ka ng kabutihan. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. 8 Angkop na salita ang dapat mong gamitin upang hindi mapintasan ang itinuturo mo. Sa gayo'y mapapahiya ang mga kumakalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.
Read full chapter
Tito 2:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, (A)na di mahahatulan; (B)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
Read full chapter
Tito 2:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Gayundin naman, himukin mo ang mga kabataang lalaki na maging matino sa pag-iisip.
7 Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang,
8 wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
