Tito 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula kay Pablo, alipin ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo. Sinugo ako upang patibayin ang pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos at kanilang malaman ang katotohanang aakay sa kabanalan, 2 upang sila'y magkaroon ng pag-asa sa buhay na walang hanggan, na bago pa nagsimula ang mga panahon ay ipinangako na ng Diyos, ang Diyos na hindi nagsisinungaling. 3 At sa takdang panahon ay ipinahayag niya ang kanyang salita sa pamamagitan ng pangangaral na ipinagkatiwala sa akin ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Para (A) kay Tito na tunay kong anak sa iisang pananampalatayang aming pinagsasamahan: Sumaiyo ang kagandahang-loob at kapayapaan buhat sa ating Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Tagapagligtas.
Ang Gawain ni Tito sa Creta
5 Iniwan kita sa Creta upang ayusin doon ang mga bagay at upang pumili ka ng matatandang pinuno sa iglesya sa bawat bayan. Gaya ng ipinagbilin ko sa iyo, 6 (B) ang pipiliin mo ay mga taong walang kapintasan, iisa lang ang asawa, at ang mga anak ay mananampalataya, hindi nanggugulo at hindi suwail. 7 Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa,[a] hindi mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim. 8 Sa halip ay bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, maka-Diyos, at marunong magpigil sa sarili. 9 Dapat na matibay ang kanyang paninindigan sa mga pagkakatiwalaang aral na natutuhan niya, upang maipangaral niya ang wastong aral sa iba at masaway ang mga sumasalungat dito.
10 Sapagkat marami ang ayaw magpasakop, mapagsalita ng walang kabuluhan, at mga mandaraya, lalung-lalo na ang mga nasa panig ng pagtutuli. 11 Kailangan na silang patahimikin sapagkat winawasak nila ang mga sambahayan sa pagtuturo ng mga bagay na di dapat ituro para lang sa pansariling pakinabang. 12 Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi,
‘Ang mga taga-Creta ay sinungaling, asal-hayop, batugan, at matatakaw.’ 13 Totoo ang salitang ito. Kaya't buong tapang mo silang sawayin upang maituwid sila sa pananampalataya 14 at huwag nang makinig sa mga kathang-isip ng mga Judio, at sa mga turo ng mga taong tumalikod na sa katotohanan. 15 Malinis ang lahat ng bagay sa taong malinis, ngunit sa marurumi at di sumasampalataya, walang bagay na malinis dahil marumi ang kanilang budhi at isipan. 16 Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit ikinakaila naman ng kanilang gawain ang Diyos. Sila'y kasuklam-suklam sa Diyos, mga suwail, at hindi nararapat para sa anumang mabuting gawa.
Footnotes
- Tito 1:7 Sa Griyego, obispo.
Titus 1
New King James Version
Greeting
1 Paul, a bondservant of God and an apostle of Jesus Christ, according to the faith of God’s elect and (A)the acknowledgment of the truth (B)which accords with godliness, 2 in hope of eternal life which God, who (C)cannot lie, promised before time began, 3 but has in due time manifested His word through preaching, which was committed to me according to the commandment of God our Savior;
4 To (D)Titus, a true son in our common faith:
Grace, mercy, and peace from God the Father and [a]the Lord Jesus Christ our Savior.
Qualified Elders
5 For this reason I left you in Crete, that you should (E)set in order the things that are lacking, and appoint elders in every city as I commanded you— 6 if a man is blameless, the husband of one wife, (F)having faithful children not accused of [b]dissipation or insubordination. 7 For a [c]bishop must be blameless, as a steward of God, not self-willed, not quick-tempered, (G)not given to wine, not violent, not greedy for money, 8 but hospitable, a lover of what is good, sober-minded, just, holy, self-controlled, 9 holding fast the faithful word as he has been taught, that he may be able, by sound doctrine, both to exhort and convict those who contradict.
The Elders’ Task
10 For there are many insubordinate, both idle (H)talkers and deceivers, especially those of the circumcision, 11 whose mouths must be stopped, who subvert whole households, teaching things which they ought not, (I)for the sake of dishonest gain. 12 (J)One of them, a prophet of their own, said, “Cretans are always liars, evil beasts, lazy gluttons.” 13 This testimony is true. (K)Therefore rebuke them sharply, that they may be sound in the faith, 14 not giving heed to Jewish fables and (L)commandments of men who turn from the truth. 15 (M)To the pure all things are pure, but to those who are defiled and unbelieving nothing is pure; but even their mind and conscience are defiled. 16 They profess to (N)know God, but (O)in works they deny Him, being [d]abominable, disobedient, (P)and disqualified for every good work.
Footnotes
- Titus 1:4 NU Christ Jesus
- Titus 1:6 debauchery, lit. incorrigibility
- Titus 1:7 Lit. overseer
- Titus 1:16 detestable
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

