Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat dapat na walang maipaparatang sa tagapangasiwa bilang katiwala ng Diyos. Hindi niya dapat ipagpilitan ang kaniyang sariling kalooban at hindi madaling magalit. Siya ay hindi dapat manginginom ng alak, hindi palaaway at hindi gahaman sa salapi. Sa halip, ang kaniyang tahanan ay bukas para sa mga panauhin, mapagmahal sa mabuti, ginagamit nang maayos ang isip, matuwid, banal at may pagpipigil sa sarili. Dapat din na panghawakan niya ang matapat na salita ayon sa itinuro sa kaniya. Ito ay upang mahimok niya ang ilan at kaniyang masaway yaong mga laban sa salita, sa pamamagitan ng mabuting aral.

Read full chapter