Tito 1
Ang Salita ng Diyos
1 Akong si Pablo ay alipin ng Diyos at apostol ni Jesucristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos.Ayon sa kaalaman ng katotohanan at ayon sa pagkamaka-Diyos. 2 Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon. 3 Sa panahong itinakda ng Diyos, inihayag niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng pangangaral. Ang pangangaral na ito ay ipinagkatiwala niya sa akin alinsunod sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Sumusulat ako sa iyo Tito. Ikaw ay tunay kong anak ayon sa pananampalatayang nasa ating lahat.
Sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo na ating Tagapagligtas.
Ang Mga Ginawa ni Tito sa Creta
5 Ang dahilan kung bakit kita iniwan sa Creta ay upang ayusin mo ang mga bagay na kulang at upang magtalaga ka ng mga matanda sa bawat lungsod. Italaga mo sila gaya ng iniutos ko sa iyo.
6 Ito ang aking utos: Italaga mo ang lalaking walang maipupula ang sinuman at may isang asawa. Ang kaniyang mga anak ay mga mananampalataya, dapat na hindi mapaparatangan ng walang pagpipigil o masuwayin. 7 Ito ay sapagkat dapat na walang maipaparatang sa tagapangasiwa bilang katiwala ng Diyos. Hindi niya dapat ipagpilitan ang kaniyang sariling kalooban at hindi madaling magalit. Siya ay hindi dapat manginginom ng alak, hindi palaaway at hindi gahaman sa salapi. 8 Sa halip, ang kaniyang tahanan ay bukas para sa mga panauhin, mapagmahal sa mabuti, ginagamit nang maayos ang isip, matuwid, banal at may pagpipigil sa sarili. 9 Dapat din na panghawakan niya ang matapat na salita ayon sa itinuro sa kaniya. Ito ay upang mahimok niya ang ilan at kaniyang masaway yaong mga laban sa salita, sa pamamagitan ng mabuting aral.
10 Ito ay sapagkat marami ang mga masuwaying tao. Sila ay nagsasalita ng walang kabulukan at mga mandaraya, lalong-lalo na iyong nasa pagtutuli. 11 Huwag mo na silang pagsalitain sapagkat itinataob nila ang mga sambahayan. Magkamal lang ng salapi ay nagtuturo na sila ng mga bagay na hindi niladapat ituro. 12 Isa sa kanila, ito ay sarili nilang propeta, ang nagsabi: Ang mga taga-Creta ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na batugan. 13 Ang sinabing itopatungkol sa kanila ay totoo. Dahil dito, mahigpit mo silang sawayin upang sila ay tumibay sa pananampalataya. 14 Ito ay upang huwag sila makinig sa mga katha ng mga Judio at ng mga utos ng taong tumatalikod sa katotohanan. 15 Sa taong malinis, ang lahat ng mga bagay ay malinis. Ngunit sa lahat ng nadungisan at hindi sumasampalataya ay walang bagay na malinis. Subalit ang kanilang pag-iisp at budhi ay nadungisan. 16 Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit siya ay ipinagkakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam, masuwayin at hindi makagagawa ng anumang mabuti.
Copyright © 1998 by Bibles International