Add parallel Print Page Options

Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa,[a] hindi mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim. Sa halip ay bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, maka-Diyos, at marunong magpigil sa sarili. Dapat na matibay ang kanyang paninindigan sa mga pagkakatiwalaang aral na natutuhan niya, upang maipangaral niya ang wastong aral sa iba at masaway ang mga sumasalungat dito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Tito 1:7 Sa Griyego, obispo.