Add parallel Print Page Options

Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisi­nungaling, bago pa sa pasimula ng panahon. Sa panahong itinakda ng Diyos, inihayag niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng pangangaral. Ang pangangaral na ito ay ipinagkatiwala niya sa akin alinsunod sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. Sumusulat ako sa iyo Tito. Ikaw ay tunay kong anak ayon sa pananampalatayang nasa ating lahat.

Sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo na ating Tagapagligtas.

Read full chapter