Add parallel Print Page Options

upang sila'y magkaroon ng pag-asa sa buhay na walang hanggan, na bago pa nagsimula ang mga panahon ay ipinangako na ng Diyos, ang Diyos na hindi nagsisinungaling. At sa takdang panahon ay ipinahayag niya ang kanyang salita sa pamamagitan ng pangangaral na ipinagkatiwala sa akin ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. Para (A) kay Tito na tunay kong anak sa iisang pananampalatayang aming pinagsasamahan: Sumaiyo ang kagandahang-loob at kapayapaan buhat sa ating Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Tagapagligtas.

Read full chapter