Add parallel Print Page Options

Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kanilang kalawang ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy ito na tutupok sa inyong laman. Nag-imbak kayo ng kayamanan para sa mga huling araw. Pakinggan ninyo ang sigaw (A) laban sa inyo ng mga sahod ng mga gumapas sa inyong bukirin dahil hindi ninyo ito ibinigay sa mga manggagawa. Umabot na ang mga hinaing ng mga manggagapas sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. Nagpakasawa kayo sa layaw at karangyaan dito sa lupa. Pinataba ninyo ang inyong puso para sa araw ng pagkatay.

Read full chapter