Font Size
Santiago 2:1-3
Ang Salita ng Diyos
Santiago 2:1-3
Ang Salita ng Diyos
Huwag Magtatangi ng Isang Tao nang Higit sa Iba
2 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao.
2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International