Add parallel Print Page Options

Ang Pakikiramay ni Ruth kay Naomi

1-2 Noong panahon na hindi pa mga hari ang namumuno[a] sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupaing ito. Kaya si Elimelec na taga-Betlehem na sakop ng Juda ay pumunta sa Moab kasama ang asawa at dalawang anak niyang lalaki, para roon muna manirahan. Ang pangalan ng asawa niya ay Naomi at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Mga angkan sila ni Efrata na taga-Betlehem.

Habang naroon sila sa Moab, namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan. Nag-asawa ang mga anak niya ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpah at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon, namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.

Nang mabalitaan ni Naomi na pinagpala ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda. At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda, sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.”

Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila 10 at sinabi sa kanya, “Sasama kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa kababayan ninyo.” 11-12 Pero sinabi ni Naomi, “Umuwi na kayo mga anak. Bakit pa kayo sasama sa akin? Akala nʼyo ba makakapag-asawa pa ako at makakapanganak ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Hindi na maaari dahil matanda na ako. Pero ipagpalagay natin na makapag-asawa ako ngayong gabi at magkaanak pa, 13 hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa alang-alang sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”

14 At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpah ang biyenan niya at umuwi,[b] pero si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi. 15 Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang dios,[c] kaya sumama ka na rin sa kanya.” 16 Pero sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan nʼyo ay magiging kababayan ko rin, at ang Dios ninyo ay magiging Dios ko rin. 17 Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.”

18 Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumama sa kanya, tumahimik na lang siya. 19 Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Betlehem. Ang lahat ng taoʼy nabigla sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”

20 Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi,[d] kundi tawagin ninyo akong Mara,[e] dahil pinapait ng Makapangyarihang Dios ang buhay ko. 21 Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”

22 Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada[f] nang dumating si Naomi sa Betlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.

Footnotes

  1. 1:1-2 Noong panahon … namumuno: sa literal, Noong panahon na ang mga “shoftim” (mga pinuno/hukom) ang siyang namumuno.
  2. 1:14 at umuwi: Itoʼy nasa Septuagint pero wala sa Hebreo.
  3. 1:15 dios: o, mga dios.
  4. 1:20 Naomi: Ang ibig sabihin, masarap.
  5. 1:20 Mara: Ang ibig sabihin, mapait.
  6. 1:22 sebada: sa Ingles, “barley.”

Naomi Loses Her Husband and Sons

In the days when the judges ruled,[a](A) there was a famine in the land.(B) So a man from Bethlehem in Judah,(C) together with his wife and two sons, went to live for a while(D) in the country of Moab.(E) The man’s name was Elimelek,(F) his wife’s name was Naomi, and the names of his two sons were Mahlon and Kilion.(G) They were Ephrathites(H) from Bethlehem,(I) Judah. And they went to Moab and lived there.

Now Elimelek, Naomi’s husband, died, and she was left with her two sons. They married Moabite women,(J) one named Orpah and the other Ruth.(K) After they had lived there about ten years, both Mahlon and Kilion(L) also died,(M) and Naomi was left without her two sons and her husband.

Naomi and Ruth Return to Bethlehem

When Naomi heard in Moab(N) that the Lord had come to the aid of his people(O) by providing food(P) for them, she and her daughters-in-law(Q) prepared to return home from there. With her two daughters-in-law she left the place where she had been living and set out on the road that would take them back to the land of Judah.

Then Naomi said to her two daughters-in-law, “Go back, each of you, to your mother’s home.(R) May the Lord show you kindness,(S) as you have shown kindness to your dead husbands(T) and to me. May the Lord grant that each of you will find rest(U) in the home of another husband.”

Then she kissed(V) them goodbye and they wept aloud(W) 10 and said to her, “We will go back with you to your people.”

11 But Naomi said, “Return home, my daughters. Why would you come with me? Am I going to have any more sons, who could become your husbands?(X) 12 Return home, my daughters; I am too old to have another husband. Even if I thought there was still hope for me—even if I had a husband tonight and then gave birth to sons— 13 would you wait until they grew up?(Y) Would you remain unmarried for them? No, my daughters. It is more bitter(Z) for me than for you, because the Lord’s hand has turned against me!(AA)

14 At this they wept(AB) aloud again. Then Orpah kissed her mother-in-law(AC) goodbye,(AD) but Ruth clung to her.(AE)

15 “Look,” said Naomi, “your sister-in-law(AF) is going back to her people and her gods.(AG) Go back with her.”

16 But Ruth replied, “Don’t urge me to leave you(AH) or to turn back from you. Where you go I will go,(AI) and where you stay I will stay. Your people will be my people(AJ) and your God my God.(AK) 17 Where you die I will die, and there I will be buried. May the Lord deal with me, be it ever so severely,(AL) if even death separates you and me.”(AM) 18 When Naomi realized that Ruth was determined to go with her, she stopped urging her.(AN)

19 So the two women went on until they came to Bethlehem.(AO) When they arrived in Bethlehem, the whole town was stirred(AP) because of them, and the women exclaimed, “Can this be Naomi?”

20 “Don’t call me Naomi,[b]” she told them. “Call me Mara,[c] because the Almighty[d](AQ) has made my life very bitter.(AR) 21 I went away full, but the Lord has brought me back empty.(AS) Why call me Naomi? The Lord has afflicted[e] me;(AT) the Almighty has brought misfortune upon me.”

22 So Naomi returned from Moab accompanied by Ruth the Moabite,(AU) her daughter-in-law,(AV) arriving in Bethlehem as the barley harvest(AW) was beginning.(AX)

Footnotes

  1. Ruth 1:1 Traditionally judged
  2. Ruth 1:20 Naomi means pleasant.
  3. Ruth 1:20 Mara means bitter.
  4. Ruth 1:20 Hebrew Shaddai; also in verse 21
  5. Ruth 1:21 Or has testified against